After kasuhan nina Sarah at Bea, si Sharon naman ngayon… "PATAAS NANG PATAAS ANG MGA LEBEL, HA?" — CRISTY
- BULGAR
- May 11, 2024
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 11, 2024

Idinaan na lang sa biro ni Cristy Fermin ang reaksiyon niya sa panibagong cyber libel case na isinampa sa kanya, na this time ay si Megastar Sharon Cuneta naman ang complainant.
“Pataas nang pataas ang mga lebel, ha? Talagang tumataas ang lebel ng demandahan. From Sarah Lahbati to Bea Alonzo. Sharon Cuneta na ang kasunod. Sino po kaya ang susunod? Si Julia Roberts na?” ang simulang pahayag kahapon ni ‘Nay Cristy sa kanyang Cristy Ferminute program.
Kahapon nga ay dumulog sa Makati Prosecutors Office si Sharon at ang asawang si Atty. Francis “Kiko” Pangilinan para maghain ng cyber libel case against ‘Nay Cristy dahil umano sa mga malisyosong statements nito patungkol sa kanilang personal and family affairs.
On a serious note, ayon kay ‘Nay Cristy ay wala pa raw siyang ibang masasabi hinggil sa pinakahuli niyang demanda pero naiintindihan naman daw niya ang pinanggagalingan ng mga taong nagsampa sa kanya ng kaso.
“Basta, naiintindihan natin kung saan sila nagmumula, naiintindihan natin kung saan sila nanggagaling, wala pa po akong masasabi. Wala pa kaming impormasyon na tinatanggap, basta naiintindihan natin ito. ‘Yan ay kasama po sa ating trabaho bilang mamamahayag,” ani 'Nay Cristy.
“Sabi ko nga sa mga anak ko, ‘Mahiya kayo ‘pag ako’y idinemanda sa pagnanakaw, mahiya kayo kapag ako’y nademanda at kinasuhan tungkol sa human trafficking, ‘pag ako ay nagbugaw at kung anu-ano pa. ‘Yun ang dapat nating ikahiya.
“Pero ‘yung ganito – cyber libel, libel cases, kasama po ito sa teritoryo ng pagiging mamamahayag natin. At nauunawaan po natin kung saan sila nanggagaling at nagmumula kung paano dapat din nilang unawain kung ano ang aming trabaho. ‘Yun lamang po ‘yun,” dagdag pa ng beteranang mamamahayag.
Needless to say, tulad din ng mga kasong isinampa sa kanya ng nanay ni Sarah Lahbati and ni Bea Alonzo, nakatakda ring harapin ni ‘Nay Cristy ang demanda ng mag-asawang Kiko at Sharon.
Comments