After Jessy, wala pang kapalit… JM, 7 YRS. NANG SINGLE, SA SOCMED NAGHANAP NG GF
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 17, 2022

Seven years na raw loveless si JM de Guzman, ayon mismo sa aktor sa kanyang latest Instagram post.
Nag-upload si JM ng short video niya na tila naglalakad sa mall. Sey niya sa caption, “7th year Valentine's.. still single. hanap nang hanap.. baka nasa comments section ka lang.”
Ang daming naaliw sa caption at dinumog talaga nang sandamakmak na comments dahil sa sinabi niyang “baka nasa comment section” ang kanyang hinahanap.
May mga fans na pabirong nag-apply na maging girlfriend niya at ‘yung iba namang girls ay itinag ang mga friends din nilang babae para ireto sa aktor. As in, nagkagulo talaga sa comment section.
Matatandaang ang huling official girlfriend ni JM ay si Jessy Mendiola at ang alam namin, ang aktres din ang kanyang greatest love. They broke up in 2015 at seven years na nga ngayon ang nakalilipas.
Jessy is now happily married to Luis Manzano.
May mga na-link kay JM after Jessy tulad nina Barbie Imperial at Ria Atayde, pero wala pa siyang inaamin na girlfriend niya officially.





Comments