top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

After i-announce sa socmed… KRIS, MAY PASASABUGIN DAW, BIGLANG UMATRAS

BULGAR
Mar 20, 2021
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 20, 2021




Nagbago na ang isip ni Kris Aquino at hindi na muna raw siya magsasalita na inanunsiyo niya sa kanyang Instagram account last Thursday.


Ayon sa kanyang unang post, panahon na raw para ibahagi ang kanyang kuwento.

“It’s time to share my story, and my truth. See you this weekend (I still don’t look healthy enough, since we’ve waited to reunite - I owe you to be at my physical & emotional best,” saad ni Kris sa unang post.


Pero after several hours ay muli siyang nag-post at aniya, napagdesisyunan niyang huwag munang magsalita dahil masyado pa siyang emotional ngayon.


“I have learned habang may pinagdadaanan, shut down all my platforms para hindi magkamali. I am HUMAN. From before my birthday up to tonight-professional, personal unresolved matters of the heart, and attacks on my family, specifically my children have hurt and angered me. In fact, I am still in the process of HEALING.


“Inakala ko handa na 'kong magsalita bukas, READY na ang production team ko, pero habang emotional pa ko, alam kong kahit anong pag-iingat ang gawin nila sa editing I am too TRANSPARENT.


“Masyadong matagal n'yo na 'kong kilala, so regardless of what I say you will be able to READ between the lines. And you will figure out the names I have tried so hard to avoid uttering,” ang pahayag ni Kris.


Nag-post din ng close-up photo si Kris kung saan ay makikitang napakalaki ng ipinayat niya’t humpak ang kanyang mukha.


“Nagtiis na for more than 1 month, STRAIGHT TALK dahil nagsabay-sabay pumayat na sa level nu'ng timbang when I first sought treatment for my autoimmune issues in Singapore.


“When I do face you, it will be on my terms- when I am fully prepared for whatever consequences my words may carry. Until then, kailangan malaman n'yo how much I have missed all of you,” saad pa ni Kris.


Mensahe niya sa kanyang mga fans and followers ay “walang iwanan” at maghintay pa nang kaunti.


“Hindi ako nakasal sa tamang paraan-the vows: I take thee, to have & to hold, from this day forward, for BETTER, for WORSE, for RICHER, for POORER, in SICKNESS, and in HEALTH, to LOVE & to CHERISH, till death do us part... in my heart, para sa inyo 'yan.


“And in countless ways, ipinaramdam n'yo na ganyan din kayo sa 'kin. Kaya sana walang iwanan. Konting hintayan lang,” pagtatapos ng Queen of All Media.


We presume na ang pagsasalita ni Kris ay may kinalaman sa huling pag-atake sa kanyang pamilya partikular na nga sa kanyang dalawang anak na sina Joshua and Bimby.


Matatandaang napabalitang nakabuntis ang panganay niyang anak na si Joshua habang ang bunso naman niyang si Bimby ay inintriga ang sexuality.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page