After ‘di matuloy ang kasal kay Vincent… BEA, NAG-POST NG PICTURE NA WALANG SUOT NA SINGSING
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 4, 2026

Photo: IG _beaalonzo
Nagparamdam na si Bea Alonzo sa social media pagkatapos ng hindi natuloy na kasal nila ni Vincent Co sa Spain.
Past 7 PM noong Martes, nasilip namin ang Instagram (IG) account ni Bea. Nag-post siya ng mga pictures niya na kuha sa Europe.
Duda ng mga netizens, dito naglamyerda at nagpalipas ng sama ng loob ang aktres sa pagkansela ng kanyang wedding kay Vincent.
Caption ni Bea, “A few randoms.”
Nagdiwang ang mga followers niya na nag-aabang sa kanya sa socmed.
Sey ng mga netizens:
“Finally! Seeing pictures. Napakaganda, Miss Bea.”
“Love to see your random photos again.”
Tinawag din si Bea bilang Patron Saint ng netizen.
“Patron Saint of Boundaries, Bea Alonzo. Hahaha! Love it (heart emoji). Pretty na, mataas pa ang respeto sa sarili.”
“Agree. This is what made me love Bea”
May nakapansin na walang suot na singsing si Bea sa isang picture.
“11th photo showing no engagement or wedding ring?”
“Never naman s’yang nagpakita ng engagement ring, right? Never din s’yang nag-announce ng engagement ring. Let her personal life be private.”
Nag-post din ng comment ang mga celebrity followers ni Bea Alonzo sa IG gaya nina Rhea Tan ng Beautederm, Zeinab Harake, Ashley Ortega at Kaye Abad.
Say ni Rhea, “So pretty, Basha.”
“What a BEAutiful face you have dear!!!! @beaalonzo,” sabi ni Kaye.
“BEAutiful,” post ni Zeinab.
Agree!
NAGKAROON ng bonggang announcement ang Solar Studios sa nakaraang appreciation dinner and awarding of trophies ng Sinag Maynila Independent Film Festival (SMIFF).
Inihayag ng Solar Studios ang pagtanggap nila ng mga kuwento para sa Script Lab Call for Pitch 2027.
Si Wilson Tieng ang Chief Executive Officer (CEO) ng Solar Studios at the same time, isa sa mga founders ng SMIFF. Katuwang niya sa Sinag Maynila bilang founder si Cannes Best Director Brillante Mendoza.
Ang inisyatibong ito ng Solar Studios ay naglalayong makatuklas ng matapang, orihinal, at nakakahimok na mga kuwento na handang gawin ang susunod na hakbang mula sa konsepto hanggang sa pagbuo ng screenplay at posibleng produksiyon ng pelikula sa buong bansa sa ilalim ng Solar Studios.
Bukas ito sa parehong mga umuusbong na storytellers at established filmmakers na gumagawa ng pelikula. Ang programa ay nagsisilbing isang plataporma para sa mga creators na ipakita ang kanilang pananaw at ilapit ang kanilang mga kuwento sa malaking screen.
Tumatanggap ang Solar Studios ng original story concepts na ang genre ay action, romance, o horror.
Ang deadline for submission ay Hulyo 31, 2026. Chosen entries will be contacted.
Sa appreciation dinner ng Sinag Maynila, ipinagkaloob din ang trophies sa mga nagwagi noong 2025 and 2026 editions.
Lima ang sections ng filmfest na itinatag nina Sir Wilson Tieng at Direk Brillante Mendoza – ang full feature, documentary na student category, documentary na open category, short film na student category, at short film na open category.
Present sa event ang mga jurors ng Sinag Maynila 2026 na sina Harlene Bautista, Direk Jeffrey Jeturian, Film Academy of the Philippines (FAP) Director General Paolo Villaluna, Direk Arvin Belarmino, at Ms. Shirley Lua.





Comments