After Derek at Andrea, hiwalay na rin daw…

PIKTYUR NG 21-ANYOS GF NI ZANJOE NA YAKAP NG IBANG LALAKI, KUMALAT
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 24, 2020

May panibago raw hiwalayan sa showbiz pagkatapos nina Derek Ramsay at Andrea Torres.
Hiwalay na rin umano si Zanjoe Marudo sa girlfriend nitong surfer na si Josie Prendergast.
May kumalat kasing picture si Josie na yakap-yakap ng ibang lalaki.
Kaya raw ba may lumalabas namang rumored relationship kina Zanjoe at Angelica Panganiban?
Paano 'yan, nagpe-pretend pa naman nga silang magdyowa, pero lumabas na rin ang totoong karelasyon ng aktres?
Sabi nga ng netizen, si Zanjoe lang naman ang nakikisakay sa isyu hinggil sa kanila ni Angge para raw mapagtakpan nito ang lungkot na nararamdaman sa breakup nila ni Josie.
Malaki ang age gap ng aktor sa international surfer girlfriend. Thirty-eight na si Zanjoe habang 21 lang si Josie. Besides, hindi rin daw swak ang kani-kanilang career.
Narito ang mga komento ng mga netizens sa kumalat na picture ni Josie at ng bagong BF daw nito.
“Ang bata pa kasi. Mas matanda pa si Kathryn kaysa sa gf ni Zanjoe. Age doesn't matter pero ang priorities nila, magkaiba. Si Zanjoe, parang gusto na mag-settle down at magkaanak habang si Josie, dahil bata pa, ang focus, nasa career.”
“Ay, level-up si ateng! 'Yung ngiti, ha, says it all. Matangkad and pogi si new boyfie.”
“Mas bagay sila ng new boyfie niya. She seems like a nice girl thou. Simple lang.”
“Karma is a beatch!”
Pasok ng isang commenter, “Tapos, naging sila ulit ni Bea.”
“Ipinost ko na rin dati na magkakahiwalay ito nu'ng me article about them dito sa FP. Dahil mga batang tisay ang tina-target nitong si Marudo, pero sa isang may-edad na babae siya magiging komportable! 'Yung mala-matrona!”
May nagsasabi namang baka hindi pa break ang dalawa. Ugali na raw kasi ni girl na laging nakayakap sa mga kasama dahil very sweet ang girlfriend ni Zanjoe kahit kanino.
“I think 'di pa sila break. Madalas pa silang mag-like sa mga posts nila. Si GF kasi, sweet talaga sa mga friends at relatives niya. Pansin ko lang, lagi siyang nakayakap or akbay sa mga kasama niya.”
Well, kung hindi pa nga break sina Josie at Zanjoe, good for them.





Comments