After daw suspendihin dahil sa bad joke… VICE, BALIK-IT’S SHOWTIME NA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 7, 2026

Photo: YT _ABS-CBN It's Showtime
Nakabalik na ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa pagho-host ng It’s Showtime (IS) kahapon.
Kung nu’ng mga nakaraang araw ay sina Ogie Alcasid, Amy Perez, Karylle, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Darren Espanto, Ryan Bang at iba pa ang bumandera sa IS, ngayong nagbabalik si Vice ay ramdam na uli ang kakaibang saya sa programa dahil sa mga hirit niyang kanyang-kanya lang.
Bagama’t walang opisyal na pahayag ang Kapamilya Network sa ilang araw na pagkawala ni Vice, marami ang naniniwala na pansamantalang pinagbakasyon siya ng management matapos ipatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga bossing ng It’s Showtime dahil sa racist at bad joke nila sa isang member ng Baby Dolls.
Maraming fans ang tuwang-tuwa na nakabalik na ang host dahil ang iba ay gusto ang mga jokes niya.
Ano kaya ang magiging pahayag ni Vice na dahilan kung bakit siya nawala?
MISMONG si Mika Salamanca ang umamin na seryoso at malalim na ang relasyon nila ni Will Ashley.
Naging inspirasyon nila ang isa’t isa upang patuloy silang magsikap na maabot ang kanilang mga pangarap at mag-level-up ang kanilang showbiz career.
Parehong abala ngayon sina Mika at Will. Magkasama sila sa upcoming series ng GMA-7 na Delivery Boi (DB), na idinidirek ni Dominic Zapata.
Si Will ang main lead actor at nasa cast din sina Rayver Cruz, Eric Quizon, Mavy Legaspi, Mikoy Morales, Yasser Marta, Meryll Soriano, Keempee de Leon at Benjie Paras.
Habang tumatagal ay mas gumagaling na umarte si Will. Sa nakaraang EDDYS ay nanalo siyang Best Supporting Actor dahil sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang Bar Boys: After School (BBAS).
Samantala, si Mika naman ay kasama ngayon sa cast ng Saving Cherry (SC), na pinagbibidahan ni Barbie Forteza.
Hindi naman kailangang laging magkasama sa pelikula sina Mika at Will. Hindi sila dapat makulong lang sa pagiging love team. Kailangan nilang mag-grow bilang mga artista upang lumawak ang kanilang kaalaman.
Payo rin ng kanilang mga fans at supporters na huwag pababayaan ang kanilang career dahil bibihira ang sinusuwerte sa showbiz na tulad nila.
NAGING emosyonal sina Melissa Mendez at Malu Barry nang magsalita sila sa eulogy sa huling gabi ng burol ng yumaong reporter, host, talent manager at vlogger na si Jobert Sucaldito.
Nagbahagi sila ng kanilang mga karanasan noong magkakasama silang tumira sa isang bahay. Bago pa lamang noon si Jobert sa showbiz.
Hindi makakalimutan ni Melissa na ipinagluluto siya noon ni Jobert ng pagkain at sinusubuan pa siya.
Si Malu naman ay hindi malilimutan na lagi siyang ipinagtatanggol ni Jobert kapag may naninira sa kanya.
Maging si Patricia Javier ay halos gabi-gabi sa lamay ni Jobert. Ang mag-inang Angelica at Beth Jones ay nakiramay din.
Dumating din sa huling gabi ng burol sina Andrew E., Atty. Ferdinand Topacio, Jay Manalo at ang maraming entertainment press. Naroon din si Ahwel Paz na nakasama niya noon sa kanilang radio show.





Comments