top of page
Search
BULGAR

After daw ni Vilma… HIRIT NI TIRSO: BOYET, MAS MAY 'K' MAGING NATIONAL ARTIST

ni Nitz Miralles @Bida  | June 29, 2024



Showbiz News
Photo: Tirso Cruz III / IG

Humabol si Tirso Cruz III (Pip) sa pa-presscon ng AKTOR PH na isa sa mga nagsusulong at nag-nominate kay Vilma Santos para sa prestigious National Artist Award. 


Gaya ni Dingdong Dantes at ng 20 plus organizations na nagno-nominate kay Vilma, naniniwala si Pip na right time na for the Star for All Seasons na ma-nominate at maiproklama bilang National Artist for Film and Broadcast Arts.


Inilatag na ni Dingdong sa mediacon ang mga rason kung bakit suportado ng AKTOR PH na ma-nominate at maproklama si Vilma at kaisa rito si Pip. Pasok daw sa criteria si Vilma at successful din ang pagpasok nito sa pulitika.


Sa tanong namin kung halimbawang mapili si Vilma, siya na ba ang susunod na dapat ma-nominate na National Artist for Film and Broadcast Arts, “Bakit ako?” ang sagot ni Pip.


“Si Christopher de Leon ang sunod na dapat ma-nominate at maproklamang National Artist,” dagdag pa niya.


Anyway, napapanood si Pip sa Pamilya Sagrado ng ABS-CBN at naikuwento na kahit malaki ang cast dahil 25 sila, masaya ang mga ito sa set. Uncle ni Piolo Pascual ang kanyang role sa serye.


0 comments

Comentarii


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page