After bumili ng P15 M car… EA, ROLEX WATCH ANG WEDDING GIFT KAY SHAIRA
- BULGAR

- Aug 17
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 17, 2025

Photo: EA Guzman at Shaira Diaz - IG
Bongga ang wedding gift ni Edgar Allan “EA” Guzman sa kanyang pretty bride na si Shaira Diaz, isang ladies Rolex watch.
Well, star-studded ang kasal nila dahil puro celebrities ang kanilang mga ninong at ninang sa pangunguna nina Sen. Jinggoy Estrada, Michael V., Arnold Clavio, Coco Martin, Vicky Morales, Susan Enriquez atbp..
Dumalo rin ang mga hosts ng Unang Hirit (UH) at mga kasamahan ni EA sa Bubble Gang (BG).
Isa sa mga bridesmaids si Jennylyn Mercado. Dumalo rin sina Julia Montes, Gerald Anderson at Rayver Cruz.
Samantala, bago ginanap ang kasalang Shaira at EA, nag-post ang aktor sa social media ng larawan ng binili niyang luxury car, isang puting BMW M4 Coupe na nagkakahalaga ng P15 million. Ito ang dream car niya na matagal niyang pinag-ipunan upang mabili.
Ngayon ay sobrang saya ni EA Guzman dahil natupad na ang dream wedding nila ni Shaira Diaz at nabili pa niya ang kanyang BMW.
MIXED ang reaction ng publiko nang lumabas ang McDo commercial ni Heart Evangelista.
Maraming fans ang natutuwa at nagsasabing bongga ang bagong commercial ni Heart, tiyak na marami ang makaka-relate dahil hindi na lang mamahaling bags, perfumes at make-up ang ineendorso niya ngayon, masang-masa na siya.
Pero may ilan naman na nag-bash sa wifey ni Sen. Chiz Escudero, hindi raw kapani-paniwalang kumakain ng McDo si Heart dahil napakasosyal niya at isang sikat na fashion icon sa New York at Paris.
Well, ilang beses nang pinatunayan ni Heart na kumakain din siya ng local food. In fact, maging ang mga street food tulad ng fishball, kwek-kwek at balut ay kaya niyang kainin.
Naging content pa nga iyon ng kanyang vlog.
MALAKING pasabog sa showbiz ang ginawang pagbubunyag ni Liza Soberano sa kanyang pinagdaanang traumatic life noong bata pa siya.
Nagkahiwalay ang kanyang parents at silang magkapatid ay kung kani-kanino na lang nakikitira. Nakaranas siya ng pang-aabuso physically at mentally hanggang sa siya ay saklolohan ng mga social workers at pinauwi sila sa ‘Pinas upang makapiling ang kanilang ama.
Nang dumating si Enrique Gil sa kanyang buhay, nakahanap si Liza ng taong dadamay at magtatanggol sa kanya. Gumanda ang buhay ni Liza nang sumikat siya at nagkaroon ng mga endorsements. Nakagawa siya ng mga pelikula at na-establish ang love team nila ni Enrique.
Nasa kasikatan ng kanyang career si Liza nang magdesisyon siyang bumitaw sa kanyang manager na si Ogie Diaz at talikuran ang showbiz. Gusto raw subukan ni Liza na abutin ang kanyang Hollywood dream.
Ngayon, inamin ni Liza na 3 years na silang break ni Enrique matapos ang 8 taon ng kanilang relasyon. Ayaw naman ni Enrique na kumpirmahin o magbigay ng statement tungkol sa ibinunyag ni Liza. Bakit pa nga ba hindi na lang aminin ng aktor ang totoo?
SA edad na 79, ayaw pang magretiro ng veteran actress na si Odette Khan. Buhay na buhay pa rin ang kanyang passion sa pag-arte at hindi pa rin siya nakakaramdam ng pagod. High na high pa rin ang interes niyang umarte at lumabas sa telebisyon at pelikula.
Nakapag-shoot na si Odette ng sequel ng pelikulang Bar Boys (BB) at may panawagan siya sa GMA Network na bigyan siya ng serye dahil nami-miss na niyang umarte.
May special guest role rin si Odette sa comedy movie na Mudrasta: Ang Beking Ina (MABI) na pinagbibidahan nina Roderick Paulate, Carmi Martin at Tonton Gutierrez.
Nagpapalakas daw kay Odette ang patuloy niyang paglabas sa telebisyon at pelikula kaya wish niyang magkaroon ng bagong serye sa Kapuso Network.
Samantala, nagdulot ng saya kay Odette ang pagkikita nila ni Perla Bautista na ngayon ay 82 years old na. Tulad ni Odette, malakas pa rin si Perla at puwede pang lumabas sa telebisyon at pelikula.








Comments