After bugbugin… NETIZENS KAY ANA: 'WAG KA NANG MAGHANAP NG GUWAPONG BF!
ni Nitz Miralles - @Bida | March 20, 2022

Hindi pa rin binubura ni Ana Jalandoni ang mga photos nila ni Kit Thompson sa kanyang Instagram, pero sa IG ni Kit, wala kaming makitang larawan nila ni Anna. Hindi namin alam kung ever since, hindi talaga siya nag-post ng photos nila o deleted na after ng nangyari.
Sabi ni Anna, magre-release siya ng statement soon at lahat ng nag-post ng comment ay nag-wish for her to get well soon. Na-interview ang isang kapatid ni Anna at sinabing grabe ang ginawa sa kanyang kapatid.
May nag-comment na ‘wag magpapaareglo si Anna at ‘wag nang babalikan si Kit. Maganda raw siya para lang bugbugin.
May nagpayo pa kay Anna na sa susunod, ‘wag na siyang humanap ng guwapong boyfriend at siguraduhing mahal siya at inirerespeto, iniingatan at minamahal.
Hindi rin dine-delete ni Kit ang mga comments na galit sa kanya, minumura siya at may mga nagtatanong kung bakit siya nambugbog.
Aabangan ng marami ang isyung ito at tingnan natin kung hanggang saan aabot.





Comments