top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

After 7 yrs., nagpaalam na… SERYE NI COCO, BABU NA TALAGA!

BULGAR
Jul 24, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 24, 2022



Magsisimula nang mag-countdown para sa finale exit ang FPJ's Ang Probinsyano, ayon sa ABS-CBN news.


Nu'ng Biyernes nang gabi (July 22), bago nagtapos ang episode ng aksyon serye ni Coco Martin ay nagpaalam na siya sa mga Ka-Probinsyano.


Aniya, "Dumating na po ang oras, ang programang minahal ninyo ng pitong taon ay nalalapit na po ang pagtatapos.


"Malungkot man na tayo ay maghihiwalay, pero walang hanggang pasasalamat ang aming nararamdaman.


"Nagbago man ang mundo, nand'yan pa rin kayo.


"Kahit naman po matapos ang teleseryeng ito, hinding-hindi po matatapos ang pagmamahal namin sa inyo.


"Kaya kapit lang sa huling tatlong linggo. Ito po ang FPJ's Ang Probinsyano, Ang Pambansang Pagtatapos.


Sa totoo lang, maraming televiewers ang nalungkot at ang iba ay napaiyak sa pamamaalam ni Coco.


Ang longest running drama series na Ang Probinsyano ay consistent sa pagiging No. 1 sa loob ng limang taon hanggang nag-shutdown ang ABS-CBN nu'ng 2020.


Kahit anong programa ang itapat kay Cardo Dalisay, malaki man ang mga artista ay hindi kayang pataubin ang programa.


Nag-migrate sa digital platforms ang Kapamilya, pero ganu'n pa rin ang suma, hindi pa rin napatibag si Cardo.


Sa pag-exit ni Cardo ay darating naman si Darna na ang premiere date ay sa August 15 na, Lunes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page