top of page
Search
  • BULGAR

After 7 yrs. na umere ang serye… COCO, GAME SA PART 2 NG ANG PROBINSYANO

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 17, 2022



Hindi pa masabi ni Coco Martin kung may book 2 ba ang FPJ’s Ang Probinsyano matapos ang successful run nito sa telebisyon for almost 7 years.


May balita kasing magkakaroon ng book 2 ang nasabing serye na matatandaang nagtapos last Friday. At marami rin talaga ang nagre-request na sana nga ay magkaroon pa ulit ng another season.


“Actually, hindi ko pa alam, honestly,” sabi ni Coco tungkol dito sa panayam ng ABS-CBN.


“Nakarating sa akin ‘yun, pero siyempre, management ang magdedesisyon.”


If ever siyempre ay willing naman daw ang aktor kung talagang ito ang makakapagpasaya sa mga tao.


“Sa akin kasi, kung ano ‘yung makakapagpasaya sa mga manonood,” aniya.


Sinagot din ni Coco ang espekulasyong ang susunod na ire-remake naman nila ni Julia Montes ay ang Batang Quiapo na pinagbidahan din noon ni yumaong Da King Fernando Poe, Jr. at ni Maricel Soriano.


“Honestly, hindi pa, hindi ko pa alam. Ayaw pa akong gambalain ng mga boss, eh, or pag-usapan, pagmitingan. Siguro, after ng mga tour, ng mall shows, eh, meron pa kaming US tour. Saka namin siguro pag-uusapan kung ano'ng next,” sey ng aktor-direktor.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page