After 7 yrs. na 'di nag-face-to-face… DIEGO AT CESAR, BATI NA, NAGLARO NG BASKETBALL
- BULGAR
- Mar 5, 2022
- 2 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 5, 2022

Pagkatapos ng halos pitong taong hindi naka-face-to-face ang ama, masayang ibinahagi ng aktor na si Diego Loyzaga ang pagkukrus ng landas nila ng kanyang biological father na si Cesar Montano.
Si Diego ay anak ni Cesar sa aktres na si Teresa Loyzaga.
Sa Instagram post ni Diego nitong Martes (March 3), ibinahagi nito ang larawan nila ng ama pagkatapos magpapawis sa larong basketball.
Sa caption ni Diego, "7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again," makahulugan nitong bungad.
Dugtong pa niya, "One thing we can do is make up for it. It was so good to see you and play ball with you today.
"Value your family and loved ones today for tomorrow is not promised. As I mature, the more I wish saying sorry was enough to fix all of the world's problems. Just peace and love and nothing else matters," madamdaming pahayag ng young actor.
Ang mga makahulugang mensahe ni Diego ay bunsod ng matagal nang tampuhan ng mag-ama.
Noong year 2017, just to refresh your memory, naglabasan ang series of posts at sagutan ng dalawa, kung saa'y tinawag ni Diego na liar and hypocrite si Cesar.
Sumama ang loob ni Diego sa ama nu'ng sabihan siya na gumagamit ng drugs at ang hindi pagkilala kay Diego bilang anak ng aktor.
"I apologize for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, I would," sabi pa ni Diego na ramdam ang panghihinayang sa mga panahong lumipas.
Isa sa mga natuwa at nagpahayag ng kaligayahan sa pagtatagpo ng mag-ama ay ang mis
mong ina ni Diego na si Teresa Loyzaga.
"You make me proud, son. I love you," sabi ng beteranang aktres.








Comments