top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

After 7 yrs… LOISA AT RONNIE, MAGHIHIWALAY NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 19, 2024
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 19, 2024




Sa nasabing finale mediacon pa rin ng Pira-Pirasong Paraiso, sinabi ni Loisa Andalio na mas gusto niya munang maghiwalay sila ng proyekto ng boyfriend na si Ronnie Alonte.


Kaya kapag nagkataon, after Pira-piraisong Paraiso ay baka hindi na muna natin mapanood ang LoiNie love team sa isang proyekto.


“Ngayon sa serye, siguro mas gusto kong magkaiba naman po muna. Kani-kanya mag-grow muna. Seven years na kaming love team. Gusto ko, grow din siya as an actor,” sabi ni Loisa sa finale mediacon.


Sumang-ayon naman si Ronnie sa sinabi ng GF. At ang gusto raw sana niya ay ma-fulfill na ang dream niya na maging action star.


“Gusto ko talagang mag-action. Ito (Pira-Pirasong Paraiso) ang naging training ko. Tama si Lois, napag-usapan namin, kapag may magandang offer, puwede ka mag-solo at humiwalay muna,’” sey ng aktor.


Thankful din si Ronnie na nagkaroon siya ng mga action scenes sa Pira-Pirasong Paraiso na talaga raw na-enjoy niya.


“‘Yung role na makipagsapakan, barilan. Kaya salamat sa Dreamscape dahil nagawa ko siya rito kahit paano,” saad ni Ronnie.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page