After 29 yrs., together again… ONEMIG: SI AIKO NA ANG ENDGAME KO
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 7, 2026

Photo: IG _uno_111
Ang daming kinilig sa Instagram (IG) post ni Aiko Melendez na sweet photo nila ni Onemig Bondoc.
Makikita sa larawang in-upload ng aktres-politician na nakaakbay sa kanya si Uno (nickname ni Onemig), at nakahilig naman siya sa balikat nito habang pinagmamasdan nila ang sunset sa tabing-dagat.
Bagama’t nakatalikod sila sa camera, sa caption ni Aiko ay obvious na sila ni Onemig ang nasa larawan.
“Napapanahon na ba? Is 29 years long enough?” ang caption ng aktres.
Ilang beses nang binabanggit ni Onemig sa kanyang mga videos at vlogs na 29 years niyang hinintay si Aiko. Niligawan niya raw ito during their younger years pero binasted siya.
At ngayong pareho na silang single, hindi na pinalampas pa ni Uno ang pagkakataong suyuin muli si Aiko.
Sa ngayon ay wala pang pormal na pag-amin ang dalawa na sila na at kung hindi pa, obvious naman na ‘getting there’ na sila.
Sa comment section ay nagkagulo sa kilig ang kanilang mga fans na pabor na pabor sa kanilang relasyon.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments…
“Congratulations, grabe ang 29 years na ‘yan.”
“Panahon na nga… the road to forever (heart emoji).”
“OMG! My ‘90s heart is sooo kilig and happy for you two. Maybe this time may be forever for both of you (smile emoji). Love without question and hesitation.”
“Grabe, Ms. Aiko, akala ko sa pag-ihi na lang ako kinikilig (in love emoji).”
“Mukhang greatest love ka ni Onemig, Aiko. Bet ko s’ya for you! Naks, Onemig, ‘She’s my life, my endgame, my safe place.’ Saan ka pa? Kung kayo sana nagkatuluyan noon, baka naka-4 na kayo. Anak is life, charot!”
TULUY-TULOY ang saya ngayong Linggo (Pebrero 8) sa isang engrandeng musical celebration para sa mga solid Kapamilya, hatid ng Kapamilya stars at rock bands sa ASAP Presents: ALL2GETHER KAPAMILYA: A Grand Pasasalamat Part 2.
Engrandeng grand opening number ang bubungad sa mga fans ngayong Linggo sa pangunguna nina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Darren, Kyle Echarri, Alexa Ilacad, AC Bonifacio, Gela Atayde, Jameson Blake, Jeremy Glinoga, at Michelle Garcia, kasama ang housemates ng Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 na sina Fyang Smith, Kai Montinola, JM Ibarra, Jarren Garcia, Kolette Madelo, Rain Celmar, Jas Dudley-Scales, at Binsoy Namoca, pati ang mga housemates ng PBB Celebrity Collab Edition 1 na sina Brent Manalo, Ralph de Leon, River Joseph, Klarisse De Guzman, Esnyr Ranollo at Bianca de Vera.
Hindi dapat palampasin ng Blooms ang pasabog na number mula sa BINI tampok ang kanilang hits na Salamin, Shagidi at Bikini.
Humanda na rin sa pangmalakasang performance nina Regine Velasquez-Alcasid, Belle at Anne Curtis kasama ang Imago.
Bonggang collabs din ang handog nina Gary Valenciano at Ogie Alcasid kasama ang Soapdish, at nina Jolina Magdangal at Jona kasama ang 6Cyclemind.
Samantala, maki-jamming sa hit songs ng Mayonnaise.
Abangan ang madamdaming performance mula kina Moira, Klarisse, at Darren, na susundan ng pasabog na number mula kina Martin Nievera, Erik Santos, Kyle, at Neocolours.
Magpapatuloy ang libreng concert experience sa performance nina Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Yeng Constantino, at Jason Dy kasama ang Freestyle.
Samahan ang BGYO sa pagkanta nila ng latest song na Divine, habang huwag ding palampasin ang bersiyon nina Marko Rudio, Darren, at Kyle ng Gento at Dam.
Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi Domingo, Belle, Alexa, Kyle, at Darren.
Huwag palampasin ang ikalawang bahagi ng ASAP Presents: ALL2GETHER KAPAMILYA: A Grand Pasasalamat ngayong Linggo sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWant.








Comments