After 2 yrs. na kasal… RACHELLE, BUNTIS NA!

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 22, 2020

Very happy si Rachelle Ann Go na ipinaalam niya sa buong showbiz circle na siya ay preggy na sa hubby niyang si Martin Spies.
Sa vlog ng singer, excited niyang inanunsiyo na sobra siyang nag-react nang malamang buntis na siya.
Sabi ni Rachel sa video, “No more hiding secrets.”
Ibinahagi rin ng singer sa kanyang video ang sobrang excitement nang malaman nilang mag-asawa last August na siya ay buntis.
“We are so grateful for this new season, this new blessing. Oh, my gosh, I can’t believe it -- I’m going to be a mama!”
Alam na rin daw ng mag-asawa ang gender ng kanilang anak.
April, 2018 nang magpakasal sina Rachel at Martin at ngayon lang nabiyayaan ng first baby.





Comments