After 2 1/2 yrs., tinamaan na rin… OGIE, NAGPOSITIBO SA COVID
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 15, 2022

Tinamaan na rin ng virus si Ogie Alcasid base sa latest post ng singer-songwriter sa kanyang Instagram page.
Ipinost ni Ogie ang resulta ng kanyang COVID-19 antigen test at makikitang positive ito.
“After two and a half years since the lockdown, today, Aug. 14 2022, inabot din. Let’s do this Lord,” caption ni Ogie with praying hands emojis.
Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi rin ni Ogie na sa kabila ng pagiging maingat nila ay nadale pa rin siya.
“Ingat po ang lahat. Finally got COVID today after 2 and a half years. We test everyday sa work and keep ourselves protected and yet, inabot din,” caption ni Ogie.
Sa Twitter ay ibinahagi rin ni Ogie sa mga followers niya ang nangyari at pinag-ingat din niya ang lahat.
Ipinaalam din ng mister ni Regine Velasquez na okay naman siya at nagpasalamat sa lahat ng nagdarasal para sa kanyang paggaling.
“Really appreciate the prayers and the suggestions on IG, FB, and here on Twitter. So many loving people. TY for the love, guys. Doing ok naman so far,” tweet ni Ogie.
Dahil nga sa pangyayari ay absent si Ogie sa ASAP Natin ‘To kahapon.





Comments