top of page
TALKIES - KAREN, PROUD NA PROUD NA NAKAUSAP SI ANGELINA JOLIE_FB Karen Davila.jpeg

After 19 yrs. mula nang maghiwalay… KRIS AT JAMES, NAGKITA NA ULI, NAGKAPATAWARAN NA

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | November 15, 2026



BULGARY - KRIS AT JAMES, NAGKITA NA ULI, NAGKAPATAWARAN NA_IG _rbchanco & _jamesyap18

Photo: IG _rbchanco & _jamesyap18



Hindi man naging maganda ang takbo ng pagsasama noon nina Kris Aquino at James Yap, tila mas pinili na ng Queen of All Media na pairalin ang pagpapatawad sa ex-husband at iwan sa nakaraan ang anumang sama ng loob niya rito.


Pinag-uusapan sa bawat sulok ng showbiz ang muli nilang pagkikita. 

Matagal ding hindi nagkaharap ang dating mag-asawa matapos ang kanilang hiwalayan.

Well, ipinakita ni Kris na posible pa ring magkaroon ng maayos na pakikitungo sa taong minsang naging mahalagang bahagi ng ating buhay.


Sari-saring reaksiyon ang nababasa tungkol sa muli nilang pagkikita.

May isang nagbigay ng nakakatawang obserbasyon at sinabing “Sa puntong ‘to, para na silang magkaibigan na 19 years na ‘di nagkikita.”


May netizen namang nagbiro tungkol sa pagiging masuwerte ni Kris dahil nakarelasyon niya noon si James na bata, guwapo, hunk, basketball player at mayaman. 

Agad naman itong sinagot ng isa pang mambabasa ng “LOL (laugh out loud)! Natatawa ako.”


Kapansin-pansin na hindi lamang ang pagkikita nina Kris at James ang pinag-uusapan kundi ang posibilidad na tuluyan nang iwan ng dating mag-asawa ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan noon.


Maganda naman ang komento ng isang netizen, “Ang pagpapatawad ay ‘di nangangahulugang nabura na ang lahat ng nangyari. Maaari rin itong mangahulugan ng pagpili ng kapayapaan at pagbitaw sa mga hinanakit na wala nang puwang sa kasalukuyan.”

Tama naman!





Aktres, todo-flex daw kasi sa BF in public… SERYE NINA KATHRYN AT JAMES, ‘DI KINAGAT NG MADLANG PIPOL



HINDI nakaligtas sa puna ng ilang netizens ang seryeng pinagbibidahan ni Kathryn Bernardo na Someone, Someday na ayon sa isang blind item, diumano’y ikinadismaya na rin ng ilang network executives.


Sa mga komento, napag-usapan ang pagiging lantad umano ng aktres sa kanyang non-showbiz boyfriend, na para sa ilang netizens ay maaaring nakaapekto sa pagtanggap ng publiko sa tambalan nila ni James Reid.


Bagama’t hindi naman direktang ipinakilala bilang bagong love team ang dalawa, inaasahan daw kasi ng ilang manonood na magkakaroon ng kilig sa kanilang kuwento.


May mga pumuna rin sa takbo ng serye, partikular sa genre nito. Hindi raw malaman kung rom-com ba, thriller o workplace drama ang nais nitong ipakita. May mga nagkomento ring hindi gaanong kapani-paniwala ang corporate storyline.


Samantala, may kumalat ding blind item na nagsasabing posibleng pansamantalang naka-hold ang ilang malalaking proyekto ni Kathryn habang hinihintay ang magiging takbo ng kanyang career.


Hindi naman nangangahulugang bagsak ang programa.

Ang punto ng mga komento, hindi nito naaabot ang inaasahang lakas at ratings para sa seryeng pinagbibidahan ng malalaking pangalan sa industriya.





PINAG-UUSAPAN sa online platforms ang larawan na ibinahagi ng dating child star na si Maybelyn Dela Cruz na kuha sa Japan.


Ayon kay Maybelyn, ilang linggo nang nakatago sa kanyang camera ang photo mula sa kanilang pagbabakasyon kasama ang anak na si Olivia at ang mister na si Michael Fernandez sa Adashino Nenbutsuji Temple sa Kyoto.


Ie-edit umano niya ang nasabing larawan kaya dinagdagan niya ang brightness upang mas maging malinaw ang mga mukha nila.


Laking-gulat daw niya nang makita ang tila isang kamay na nakapulupot sa leeg niya kahit wala namang ibang taong nakatayo sa kanilang likuran.


Sa halip na magbigay ng anumang konklusyon o magpadala sa takot sa kanyang nakita, kalmadong humiling na lamang si Maybelyn ng maikling panalangin mula sa publiko upang makatagpo na ng ganap na kapayapaan ang sinumang nagpakita sa kanilang family photo.


“A hand was wrapped around my neck in my camera roll for weeks—and I had no idea until I turned up the brightness this morning,” pagbabahagi ni Maybelyn.


Dagdag pa niya, “Slide 1 is our ‘then and now’: Michael and me at Arashiyama Bamboo Forest in 2015, and our recreation at Adashino Nenbutsuji Temple with #mylittlemissolivia.

Aniya pa, “Adashino Nenbutsuji has been a resting ground for forgotten souls for centuries. Rather than react with fear, I am asking for your kindness. Hope you can say a prayer so whoever reached out to us that day may finally find peace.”

Komento ng mga netizens:

“Luh! Sinakal s’ya.”


“Baka naka-AI (artificial intelligence) mode. Mukhang scarf (kamay). Dapat, nilinaw n’ya kung may suot s’yang scarf o naka-turtleneck s’ya.”


“Marami talaga d’yan sa Japan, based on experience of my tita.”


“Dapat, ‘pag pupunta sa isang lugar dito sa Japan, magdadala ng asin. Maraming ‘di natin nakikita ang puwedeng lumapit sa ‘yo lalo sa mga sementeryo.”


“May mga maligno naman talaga maski saan depende sa nakakasama, nakakakita at sa pinapakitaan - kaya nga may paranormal studies.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page