After 15 yrs… 2 ANAK, PINAYAGAN NA NI RUFFA NA MAKIPAGKITA SA PADIR
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 10, 2022

May ipinost si Ruffa Gutierrez na compilation photos ng mga anak na sina Lorin at Venice nu'ng bata pa ang mga ito.
Nilagyan niya ito ng caption na: "After 15 long years apart, a beautiful reunion will finally take place in Istanbul this weekend. #TogetherAgain."
Itinag niya ang dalawang anak at ang ex-husband niyang Turkish business tycoon na si Yilmaz Bektas.
May posted heartwarming video rin sa kanyang IG ang actress-former beauty queen ng mga larawan nina Lorin at Venice kung saan makikita rin ang photo ni Yilmaz.
Ayon kay Ruffa, naka-set nang mag-reunite ang dalawa niyang magagandang anak sa kanilang ama with his family sa Istanbul, Turkey.
Natuwa naman ang mga netizens na naghilom na ang sugat na tinamo ni Ruffa sa dating asawa. Matagal na panahon ding ininda ng rumored girlfriend ni Herbert Bautista ang sakit na idinulot ni Yilmaz sa kanyang puso.
Ngayong nag-mature na ang aktres ay maluwag na sa kanyang loob na makita nina Lorin at Venice ang kanilang ama, lalo na raw si Venice, as what Ruffa told sa kanyang last presscon a month ago.
Nu'ng una kasi ay natatakot si Ruffa na baka ma-kidnap ang kanyang mga anak. Kilala kasing matatag na negosyante sa Istanbul ang ex ni Ruffa at maraming kalaban sa negosyo.
Pero, ngayong malalaki na ang mga anak nila ni Yilmaz, wala na siyang agam-agam para 'di payagang pumunta sina Lorin at Venice sa Istanbul kung saan 'yun talaga ang kanilang homeland.
Ang legal separation nina Ruffa at Yilmaz ay na-grant last 2012.





Comments