After 12 yrs… CRISTINE, BALIK-GMA-7 NA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 26, 2022

After 12 years, magbabalik sa GMA-7 si Cristine Reyes, ang younger sister ni Ara Mina.
Si Cristine ay isa sa mga alumni ng talent search show ng GMA na StarStruck 1.
Nakasabayan niya noon sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Katrina Halili, Nadine Samonte, Sheena Halili atbp..
Nakalabas din siya sa ilang shows ng GMA-7. Pero, noong 2008, lumipat siya sa ABS-CBN.
May asawa't anak na ngayon si Cristine. Medyo kumupas na ang kanyang ganda at karisma. Pero, gusto niyang balikan ang kanyang acting career.
But this time, ayaw na niyang tumanggap ng sexy roles. Kasama si Cristine sa upcoming serye ng Kapuso Network, ang Nag-aapoy na Langit. Mas gusto na niya ngayon na mag-concentrate sa serious acting.





Comments