ni Beth Gelena @Bulgary| August 13, 2024
Engaged na sina Jerald Napoles at Kim Molina.
Sa Instagram ni Jerald ay ipinost niya ang video ng proposal niya kay Kim. Ang daming nag-congratulate sa celebrity couple na 10 yrs. nang magkarelasyon mula nang magkakilala sa musical theater play na Rak of Aegis nu'ng 2014.
Sa isang panayam kay Kim, sinabi niyang siya ang unang gumawa ng move kaya naging sila ni Jerald.
Biro ni Kim, “Ako po ang nanligaw. Guwapo, ‘di ba?”
Pero nag-break na rin daw sila noon, ‘yun nga lang, secret breakup dahil agad naman daw nilang naayos ang problema.
“Hindi talaga mahahalata ng mga kasamahan namin na may nangyayari nang pag-aaway, like may nagawa kaming pelikula before na ‘di alam ng lahat na nag-break kami. Ito ‘yung
Ikaw, Ako at ang Ending,” pagbubulgar ni Kim.
“Sa Pagudpud, Ilocos Norte ang location namin, magkasama kami sa isang tent, tapos nag-away kami, nag-decide kami, break na, tapos binasa ko ang sequence guide, bed scene ang kailangang i-shoot kinabukasan. Sabi ko, kailangan naming itawid at ipakita na mahal namin ang isa’t isa kasi straight drama ‘to, eh.”
Well, sa tagal daw ng pinagsamahan nila ni Jerald, never nilang napag-usapan ang kasal kaya talagang na-surprise siya sa effort na ginawa ng boyfriend.
Mula sa BULGAR, congratulations Kim Molina at Jerald Napoles! Best wishes.
IBINIDA ni Dimples Romana ang bagong milestone nilang mag-asawa regarding sa bago nilang binuksang negosyo.
Sa post niya sa kanyang Instagram (IG) page ay may bubuksan silang pharmacy na located sa Barangay Tres, Nasugbu, Batangas.
Aniya, “A little bit of inspiration today. SOON TO OPEN: Our first @generikadrugstore branch will open in Brgy. Tres, Nasugbu and as the lyrics of the song goes, ‘This all God, this ain’t no luck’ and to have business partners who share the same goal in giving the tatak ‘Ginhawang Generika’ to Filipino families by selling generic medicines na de-kalidad sa presyong abot-kaya.”
Ayon pa sa aktres, “Already feeling the warmth from the community, maraming salamat po and to my @generikadrugstore brand family for all the support and love! This time, I’m no longer just their endorser, we’re also now a very proud franchisee.”
Ibinahagi rin ni Dimples na maraming nagtatanong kung saan ba nila ini-invest ang kanilang mga kinikita.
“And because @papaboyetonline and I are always asked where we put our hard-earned money from our jobs (as for me as an actress and host), we have learned so much with doing business the past years, natutunan namin to trust only reliable and credible business partners and institutions that share our values and goals in life,” dagdag pa nito.
HOW true na ang friendship nina Claudine Barretto at Janelle Jamer ay wasak na?
Si Janelle ang pinaka-best friend ni Claudine sa showbiz. Katunayan, napakarami niyang posts na mga larawan nilang dalawa.
Pero, nagtaka ang showbiz industry nang may intriguing quote card post ang Optimum actress sa kanyang Instagram (IG), gayundin si Janelle.
“People who stay friends with your abusers aren’t your friends. Knowing what the abuser did to you and yet choosing to maintain a bond with them is a clear sign of lack of loyalty,” ang post ni Claudine.
Ang quote card post ay direktang pasaring sa taong kinokonsidera niyang BFF.
Ayon sa aktres, may ginawa umanong hindi mabuti sa kanya ang kaibigan na nakaapekto sa mga anak at maging sa kanyang mga fans, ang Claudinians. Sinabihan pa niyang plastic ang taong tinutukoy.
But despite sa alegasyon ni Claudine, hindi pa rin nagbabago ang kanyang kaibigan sa kanya.
Sa ikalawang caption ni Claudine, sinabi niyang ang kanyang post ay hindi lang sa isang kaibigan kundi may third person pa na gumagawa ng effort na sirain ang koneksiyon nilang magkaibigan.
May intriguing posts din si Janelle about losing connection with someone at nada-drag ang kanyang pangalan dahil sa misunderstanding.
Sa isang panayam, inamin ni Janelle na ang friendship nila ni Claudine ay kasalukuyang sinusubok. Sa ngayon daw, hindi niya alam kung saan patungo ang kanilang pagkakaibigan.
Naitanong din sa kanya na ang espekulasyon umano ng mga netizens, may conflict na sa kanila ng aktres at kay Tia Perfecto.
Esplika ng former TV host, “May katotohanan na may pinagdaraanan. Pero kung magbe-base ako sa sinabi n’ya na kinawawa na ginawa sa anak n’ya at mga fans n’ya, ‘di ako guilty du’n.”
Malinis umano ang kanyang kunsensiya. Dagdag pa niya, hindi raw siya nag-react agad nu’ng nag-post si Claudine dahil gusto niyang mag-subside muna ang kanyang emosyon.
Commentaires