top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Affected much sa hiwalayan nila ni Rabiya… JERIC, MISSING IN ACTION, MGA POSTS SA IG, BINURA

BULGAR
Jul 6, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | July 6, 2022



Para sa mga naka-follow sa breakup nina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo, mas apektado raw ang aktor kesa sa beauty queen. Para raw biglang tumigil ang takbo ng buhay kay Jeric at urong-sulong ang pagpaparamdam nito.


Una, dinelete nito ang post niya sa Instagram at ang itinira lang ay ang photo niya with his Start-Up co-stars na sina Boy2 Quizon at Royce Cabrera.


After few days, balik-IG siya at nag-post ng photo na nakangiti at pinansin pa nga ng mga netizens na ang guwapo nito sa photo.


Ilang araw lang ang post na ‘yun dahil dinelete na uli ni Jeric and this time, wala nang itinira. As in, “No Post Yet” ang status ng IG nito.


Unlike Rabiya na nagpo-post pa rin at ‘yung last post niya sa IG noong June 26, may pa-shade pa siyang “Hi! Ako pala 'yung sinaing mo. Joke!” na kundi joke, ang ibig sabihin ng “sinaing” ay sinayang.


Sa kanyang IG story, pinasalamatan nito si Tyler Mata, ipinost ang picture at may caption na “Thank you for always being there in my lowest. See you soon @tylermata.”


Wala ring masyadong balita kay Jeric sa taping ng Start-up, samantalang si Rabiya, napag-uusapan na ang bagong show na Tic To Clock na premiere na sa July 18, bago mag-Eat...Bulaga!. Sina Rabiya, Pokwang at Kim Atienza rin ang kumanta ng theme song ng show na Monday to Friday mapapanood.


Comment nga ng mga fans ni Jeric, magparamdam siya at ‘wag hayaang bumagal ang takbo ng buhay at career niya dahil sa problema sa pag-ibig.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page