top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Affected much… ANGELICA, BINUWELTAHAN ANG NETIZEN NA TUMAWAG SA KANYANG STARLET

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2022
1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | February 14, 2022




Binuweltahan ni Angelica Panganiban ang netizen na tumawag sa kanyang “starlet”.


Ini-repost ng netizen sa Twitter kahapon ang video ni Angelica para sa mga mambubudol at magnanakaw na tumatakbo ngayong eleksiyon.


Ang video ni Angelica ay ipinost ng kaibigan niyang direktor na si Andoy Ranay. Mula ito sa Facebook group ng Young Public Servants.


Caption ng netizen sa ini-repost niyang video ni Angelica, “Isang starlet na naman po ang nag-iingay @angelica_114”


Hindi ito pinalampas ni Angelica at kanyang ini-repost sa Twitter.


Sabi ng aktres, “Pero affected ka sa ingay ng isang starlet? Salamat kung ganu’n.”


Todo-bash naman ang inabot ng tumawag na starlet kay Angelica mula sa mga supporters/followers ng aktres.


“Hindi ‘yan starlet, icon na ‘yang si Angge among her generations. Nag-start ‘yan as child star at ngayon, mahusay na bida/kontrabida. Oo nga pala, ba’t ba ako nag-e-explain. Ang taas ng standard mo, eh, sinungaling at magnanakaw naman ang iboboto mo.”


“Starlet? Elementary pa lang ako, Angelica na ‘yan. Baka mas malaki pa ibinayad na tax niyan kesa kay idol mong ngiwi at adik.”


May netizen din ang nagpaliwanag pa sa basher ni Angelica kung ano ang ibig sabihin ng starlet, “Ayan para alam mo muna ang meaning ng word na starlet, a young actress with aspirations to become a star.”


May nag-post naman kung sino ang starlet para sa netizen, “Hindi ‘yan starlet, si Mocha ang starlet!”


Ganern?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page