Adiwang, gigil na vs. Brooks sa NextGen
ni Gerard Arce - @Sports | October 20, 2021

Nakatuon ang buong atensyon ni Team Lakay strawweight contender Lito “Thunder Kid” Adiwang sa sunod nitong makakatunggali na si American Jarred "The Monkey God" Brooks sa ONE: NextGen III sa Nobyembre 26 sa Singapore Indoor Stadium na pinaghandaan niyang mabuti matapos maipagpaliban ang unang paghaharap.
Maituturing na “blessing in disguise” ni Adiwang ang pagkakansela ng laban nila na dapat gagawin nitong Abril, ngunit sa kasamaang palad ay tinamaan ng COVID-19 ang Baguio City, Benguet native kung kaya’t umatras ito sa laban.
Simula noon ay mas lalong nagpursige ang 28-anyos na mixed martial arts fighter na mas husayan at magpursige sa paghahanda sa kanyang mga laban, kung saan nakakuha ito ng kumbinsidong unanimous decision na panalo kontra kay Chinese Hexigetu sa ONE: Revolution noong Setyembre kabilang ang 9-sa-10 laban.
“I've improved from my last fight. I think that I'm a smarter, stronger, and tougher fighter now who's ready to continue winning in the strawweight division,” wika ni Adiwang. “The cancellation of our original match, I think, is also a blessing in disguise as it gave me more time to study his style and check on his strengths and weaknesses,” aniya na nakapasok muli sa Top 5 ranking ng strawweight division sa likod nina Brazilian Alex Silva, Japanese Hiroba Minowa, Bokang Masunyane ng South Africa at Yosuke Saruta ng Japan.





Comments