Adik sa shopping… PERA NI HEART, KONTROLADO NA NI CHIZ
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 11, 2022

Dahil sa kanyang mister na si Gov. Chiz Escudero, kontrolado na ngayon ni Heart Evangelista ang kanyang paggastos at pagsa- shopping ng mga branded bags and shoes kapag bumibiyahe abroad.
Si Chiz daw ang financial adviser ni Heart na nagtuturo kung paano makakapag-ipon at mag-invest sa negosyo.
Puwedeng mag-shopping si Heart pero may maximum limit ang puwede niyang gastusin. Kapag naubos at naka-quota na si Heart ay hindi na siya puwedeng gumastos pa.
So far, nasusunod naman daw ito ni Heart. Kaya nang may nagustuhang Hermes bag nang magpunta siya sa Paris Fashion Week, two years to pay daw 'yun dahil na-maximize na niya ang kanyang budget for shopping.
Samantala, finale na ngayon ng seryeng I Left My Heart In Sorsogon at may naging pahayag siyang magpapahinga muna sa paggawa ng serye. Hindi na raw kakayanin ng kanyang schedule ang mahabang locked-in taping.
May mga offers sa kanya na mga product endorsements at may offer din sa kanya ang Christian Dior. Pero, puwede raw siyang tumanggap ng short series lang tulad ng I Can See You at guestings sa iba pang shows ng GMA Network!





Comments