top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

ABS-CBN, nagsara… ENCHONG, AMINADONG PAGKAKAKITAAN ANG MGA KAPWA ARTISTA SA YOUTUBE CHANNEL

  • BULGAR
  • Mar 17, 2021
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | March 17, 2021




Kung dati ay hindi visible si Enchong Dee sa mga programa ng ABS-CBN maliban sa ASAP, ngayon naman ay sunud-sunod dahil katatapos lang ng Pinoy Big Brother Connect nitong Linggo (Marso 14) ay magsisimula naman ang teleseryeng Huwag Kang Mangamba na isa ang aktor sa cast.


Gagampanan ng aktor ang karakter na pari sa HKM na bagay naman sa kanya dahil kung hindi siguro siya nag-artista ay puwede siyang pumasok sa seminary.


Kuwento ni Enchong sa virtual mediacon ng Huwag Kang Mangamba nitong Lunes nang gabi, “Si Father Sebastian ay isang sundalo ni Bro. Kino-consider ko siya na tagapaghatid ng magandang balita sa barangay ng Hermoso.


"Sabi ko nga, ang suwerte-suwerte ko. Siguro, isa rin ito sa mga blessings na natanggap ko kasi 'yung role ni Father Sebastian, nadadamay ako. Minsan, nakukuha ko ‘yung energy and positivity ni Father Seb na kahit si Enchong, kahit dapat, nabubuwisit, eh, hindi. So ayun, masaya ako (natawa).”


Ilang buwang tengga ang aktor nu'ng nag-lockdown last year dahil sa COVID-19 pandemic na sinabayan pa ng pagsasara ng ABS-CBN at sobrang naapektuhan ang mga food business nito. Pero kahit ganu’n, malaki ang pasasalamat niya dahil ligtas ang pamilya niya at walang nagkasakit.


“Siguro, ilalagay ko siya in a way na I’m very grateful na ni isang beses, hindi ako nangamba 'yung buong taon last year. Nagpapasalamat ako. Siguro, ‘yun din ‘yung bakit I was able to look after other people or focus my energy on other people because I know that my situation is okay,” pahayag niya.


At dahil sa mga kaganapang ito ay naisip ng aktor na seryosohin na ang pagiging content creator sa kanyang YouTube channel na bukod sa marami siyang napapasayang tao ay kumikita pa siya.

“Hindi siguro kasingsipag ng nangyayari ngayon kasi talagang pinag-iisipan ko, nilalagyan ko talaga ng puso at isipan ko kung ano man ‘yung inilalagay ko ru'n sa vlog ko because it’s clear to me what I want to show people and what I want to share with people.


“Siguro, ‘yun lang ‘yung difference. Probably, mas maganda ‘yung quality ngayon dahil may mga oras tayo na makapag-isip at gumawa ng ibang bagay,” esplika ni Enchong.

At dahil naka-locked-in tapings sila sa Huwag Kang Mangamba ay marami siyang naka-collab sa mga co-actors niya at na-upload na niya ang isa sa kanila, ‘yung kay RK Bagatsing.

Aniya, “We have seven episodes na nakabangko and masaya ako na lahat naman ng nakakausap ko, mga kaibigan ko. Madali sa akin para makipag-usap. I rarely call it an interview. It’s more of a conversation.


“Inuna ko talaga 'yung mga kaibigan ko. Iisa-isahin ko rin ‘yung cast. Feeling ko, 'pag inisa-isa ko ‘yung cast ng Huwag Kang Mangamba, may isang buong taon ng 2021 na hindi na kailangang mag-isip (natawa). Meron na kaming plano ni Tita Sylvia (Sanchez).”


Bukod sa pakikipag-collab ni Enchong sa mga co-actors niya sa HKM ay hindi pa rin niya pinababayaan ang EnRich Originals nila ni Erich Gonzales na sinimulan nila ang 10 episodes ng digital series nilang You. Me. Maybe na ang mismong aktres ang direktor at sila rin ng aktor ang producer at artista.


At dahil successful ang collaboration among Enchong’s friends ay dumami na nang dumami ang mapapanood sa YT channel niya bukod pa sa channels ng mga kaibigan niya tulad nina Erich, Pooh, Bea Alonzo at iba pa.


Going back to Huwag Kang Mangamba ay mapapanood na ito simula sa Marso 22 sa A2Z, TV5, WeTV at IFlix handog ng Dreamscape Entertainment mula sa direksiyon nina Manny Palo, Darnell Villaflor at Jerry Sineneng.


Makakasama ni Enchong ang Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri at Francine Diaz with the support of Sylvia Sanchez, Nonie Buencamino, RK, Dominic Ochoa, Diether Ocampo, Angeline Quinto, Matet De Leon, Soliman Cruz, Mercedes Cabral, Mylene Dizon, Matty Juniosa, Alyanna Angeles, Lance Carr, Pamu Pamorada, Troy Montero, Krystal Reyes, Mike Magat, Paolo Gumabao at Eula Valdez.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page