- BULGAR
ABS-CBN at TV5, nag-merge… OGIE KAY REP. MARCOLETA: IKAMAMATAY MO ‘PAG NANGYARI ‘YUNG AYAW MO
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | August 17, 2022

Ramdam namin ang gigil ni Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta sa pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at TV5 dahil nga isa siya sa mga nagdiin para ipasara ang Kapamilya Network noong Mayo 5, 2020.
Matatandaang hindi na binigyan ang network ng prangkisa ng National Telecommunications Commission head na si Ginoong Jose Calida na ngayon ay nahalal bilang Commission on Audit chairperson ng Marcos administration.
Nagbubunyi marahil noon si G. Marcoleta dahil inakala niya na hindi na makakapag-operate ang Kapamilya Network, pero dahil napaghandaan na ito ng Lopez management kaya kaliwa’t kanang napapanood sa online platforms ang mga programa nila.
At dahil maraming naghahanap sa free TV ng mga programa ng ABS-CBN kaya naisip ng mga executives na makipag-merge ito sa A2Z at TV5 na malakas ang signal sa maraming lugar sa Pilipinas.
Maganda ang layunin nina ABS-CBN Chairman Mark Lopez at TV5 CEO and President Manny Pangilinan plus ABS-CBN CEO at President Carlo L. Katigbak kaya sila nagsanib-puwersa dahil para ito sa kanilang mga regular viewers.
Kaya iritang-irita na naman si G. Marcoleta sa senaryong ito at sinabi nitong may franchise violation ang Kapatid at Kapamilya Network dahil sa pagsasanib-puwersa nila.
Nasambit pa ng Sagip Partylist rep. na may unsettled obligations ang ABS-CBN na aabot sa P1.6 trillion.
Ayon kay Marcoleta, “Puwede ba na ang network na 'di binigyan ng prangkisa, sumakay ganu'n-ganu'n lang without settling its obligations to the government?”
Dahil dito ay nag-tweet ang kilalang talent manager-content creator na si Ogie Diaz na mag-move on na si Ginoong Marcoleta.
Ani Ogie, “Juice ko po, Sir. Sumunod naman, pero ayaw n’yong tanggapin. Ngayong bumili ng shares, me kuda pa rin kayo?
“Sa panahon ngayon, kailangan ng pera ng gobyerno. Ikaw ba ang sasagip ng bansa, ng mawawalan ng trabaho? O ikamamatay mo ‘pag nangyari ‘yung ayaw mo? Move on ka na po.”
Marami naman ang nag-retweet sa pahayag na ito ni Ogie.