top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

BAGONG SHOW NG TVJ, MAY NATIONWIDE VIEWING PARTY NA, SA 4 NA CHANNELS DIN MAPAPANOOD

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 1, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 1, 2023




Nang magpirmahan ng kontrata ang It’s Showtime at ang pamunuan ng Kapuso Network, nagdeklara si GMA-7 CEO Atty. Felipe L. Gozon na tapos na ang sinasabing “TV war”.


Magsasama-sama at magtutulungan na ang mga networks upang makapagbigay ng mga magagandang shows sa kanilang mga viewers na tumatangkilik sa kani-kanilang mga programa.


Pero ayon sa ilang netizens, ngayon naman magsisimula ang paglalaban-laban ng tatlong noontime shows sa telebisyon.


“Head-to-head” ang salpukan ng bagong noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon kasama ang mga Dabarkads, ang It’s Showtime nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro at iba pa, at ang bagong Eat… Bulaga! ng TAPE, Inc..


Well, sa bagong noontime show ng TVJ at ng mga Dabarkads, kumpirmado nang magge-guest si Sharon Cuneta. Ipinahayag niya sa kanyang social media account na darating siya sa premiere telecast ng programa ng tatlong veteran hosts.


Ngayong Sabado, July 1, ay mapapanood na sa TV5 ang bagong noontime show ng TVJ at mga Dabarkads mula 11:30 AM hanggang 2:30 PM.


Sey naman ng kampo ng bagong EB! ng TAPE, Inc., ang sikat na bandang Aegis ang kanilang special guest sa programa, plus may iba pang big stars na darating.


For sure, may malaking pasabog na inihanda ang It’s Showtime sa kanilang unang araw ng pag-ere sa GTV.


Let’s see kung alin sa tatlong noontime shows ang makapagtatala ng pinakamataas na ratings sa kanilang July 1 episode.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page