top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Abot-kayang COVID-19 testing kit, bilisan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 6, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | January 06, 2021



Dahil sa panawagang gawing libre at madaling matagpuan ang COVID-19 testing sa National Capital Region (NCR) at karatig-lalawigan tulad ng Bulacan, Cavite at Rizal na nasa Alert Level 3 dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.


Kaya naman, sinabi ng gobyerno na bukas ito na gawing mas abot-kaya ang presyo ng COVID-19 test kits.


Matatandaang, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) na magpatupad ng price range ng mga RT-PCR testing para matiyak na magkakaroon ng pantay na health care services ang mga Pilipino.


Kaya noong Setyembre, inilagay ng DOH ang price caps sa P2,800 para sa plate-based at P2,450 para sa GeneXpert ng public laboratories habang ang testing sa private laboratories ay P3,360 sa plate-based at P2,940 sa GeneXpert test.


Alam natin kung gaano kahalaga ang COVID-19 testing dahil dito matutukoy kung positibo o hindi ang isang suspected patient.


At sa totoo lang, bagama’t may price cap na ang COVID-19 testing, malaking gastos pa rin ito para sa ordinaryong mamamayan, lalo na sa mga arawan lang ang kita.


Masasabing marami pa rin ang walang kakayahang magpa-test dahil walang pambayad, kaya kahit nakararamdam ng sintomas, dedma na lang dahil mas importanteng kumayod kaysa maglabas ng pera para magpa-test.


Kaya panawagan sa mga kinauukulan, kung hindi natin kakayaning ilibre, sana’y maging mas abot-kaya para sa ating mga kababayan, lalo pa ngayon na maraming nakararanas ng sintomas.


Kung nais nating maagapan ang hawahan, kailangan nating gumawa ng paraan at isa na rito ang murang COVID-19 testing.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page