top of page
Search
  • BULGAR

Abogadong partner ng ‘sikat na presidentiable’, buking ang mala-sindikatong

modus sa mga big-time businessmen.


ni Chit Luna - @Yari Ka! | April 17, 2021


Sinasamantala ng partner ng isang sikat na ‘manok sa pagka-pangulo’ ang pagkakataong makapanloko ng malalaking negosyante gamit ang poder na kanilang tinatamasa.


Ang raket ng naturingang abogadong jowa ay magbenta ng reclaimed areas and reclamation rights.


Ayon sa Tsinoy na malapit sa kanilang pamilya, mayroon nang ilang negosyanteng nakapagbitaw ng goodwill money sa mga itinalagang kinatawan ng nasabing abogado, gamit ang mga dokumentong may lagda ng partner ng ating bida na abalang-abala ngayon sa paghahanda para sa halalang gaganapin ngayong Mayo next year.


Bakit naman hindi sila bibitaw kung hindi sampung doble ang kikitain ng kanilang pera, lalo pa’t gagawin nilang prime business area tulad ng reclaimed area?


Ang modus ng mala-sindikatong grupo ng ating bida, tiyakin ang pamamayagpag ng mga negosyante sa sandaling ang kanyang esmi ang maupo bilang Pangulo ng bansa — na hindi mahirap paniwalaan lalo pa’t liyamado ito sa mga survey.


Dagdag pa nito, gagamitin ang pondong kanyang malilikom para sa kandidatura ng asawang tulad niya’y isa ring abogado.


Ang siste, nakarating sa kaalaman ni ateng ang ginagawa ng kanyang mister, kaya agad itong nagpalabas ng babala sa publiko. Sa kanyang pahayag, wala siyang alam sa nasabing aktibidades.


Reaksiyon ng mga nakapagbitaw ng goodwill money sa grupo — ngek, paano na ang kanilang naihatag na salapi?!


Hindi bababa sa dalawang bilyon ang paunang ibinayad ng isang negosyante at wala raw siyang ideya kung magkano ang nabitawan na ng iba pa. “Basta ang sigurado, tatlo o apat na kapitalista ang nagbitaw.”


Unang lumutang ang pangalan ng abogadong jowa noong 2018 nang isa-isa nilang kausapin ang mga pulitikong nasa talaan ng mga narco-politician ng administrasyon.


Pero katumbas ng pagtatanggal ng kanilang pangalan sa narcolist, may mga naniwala at nagbitaw ng pera. Sa pagtatanung-tanong natin, may mga nawala sa narcolist — at ‘yun ay ang mga na-tokhang na.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page