Abogado pa rin si Atty. Topacio... DENIECE, IDEDEMANDA ANG MGA BASHERS AT VLOGGERS
- BULGAR
- Oct 9, 2022
- 3 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | October 9, 2022

“Hindi po tayo bumitaw sa legal team, doon lang po tayo dumistansiya sa prosecution po ng rape case sapagkat ako po ay naniniwala sa kasabihan na ‘Too many cooks spoil the broth,’" ito ang sagot ni Atty. Ferdinand Topacio sa tanong ni Julius Babao sa UNPLUGGED YouTube Channel nila ng asawang si Tintin Bersola-Babao kung bakit siya bumitaw bilang legal counsel ni Deniece Cornejo sa kaso nito kay Vhong Navarro.
Bumalik na kasi ang dating legal counsel ni Deniece na si Atty. Howard Calleja na humawak ng kaso nila ni Cedric Lee noong 2014 pero nagbitiw naman nu'ng 2015.
Sa pagpapatuloy ni Atty. Topacio, “Nandidiyan naman na si Atty. Howie Calleja na kaibigan ko rin at isang magaling na trial lawyer na siya po ang pumasok to act as private prosecutor.”
Nabanggit din ni Atty. Ferdie na silang mga abogado ay may kani-kanyang ideya kung paano ang gagawin during the prosecution at si Atty. Calleja ang mamumuno rito.
“Mas magaling po sa kliyente namin na isa lang ang kumukumpas at nagtitimon sa isang kaso.
So, ang ginawa ko po ay I will just let Atty. Howie take care of the rape case. At may mga pinaplano pa rin po si Ms. Cornejo (tulad) ng cyber libel cases laban po sa mga namba-bash sa kanya hanggang ngayon at ‘yung ibang nagsasalita laban sa kanya, victim bashing, victim shaming, eh, du'n na lang po tayo magko-concentrate para may division of labor po kami rito sa mga kasong kinakaharap,” paliwanag mabuti ni Atty. Topacio.
Tanong ni Julius, "May nabanggit po kayo na sa pagkakaunawa namin ay hindi n’yo po maarok itong mga issues when it comes to ethics. Puwede po ba nating ipaliwanag, Attorney, kung ano po ‘yun?"
“'Yung sinasabi kong ethics kasi, ang abogado ay hindi dapat sumasali sa isang kaso kung sa tingin niya ay iba ‘yung kanyang opinyon.
“ Hindi ko sinasabi ‘yung direction where Atty. Calleja is heading is wrong, hindi ko sinasabing ako ang tama, maaaring ako ang mali at siya ang tama, ngunit since I do not agree in some of the moves being made, eh, minarapat ko na lamang na huwag nang makialam para walang friction kasi any friction in this case would not benefit our client.
“Si Atty. Howie naman is a trial lawyer (and) he knows what he is doing, so, ganu’n na lang po and we will leave at that and mag-division of labor na lang po kami,” pahayag nito.
Wala raw say si Deniece sa pag-alis ni Atty. Topacio sa rape case dahil nagpaalam naman daw siya nang maayos.
“Sabi ko naman sa kanya (Deniece), hindi ko inaabandona ang pagtulong ko sa kanya because I’m helping Deniece because of the request of an old family friend, si Manong Rod Cornejo (tatay ng dalaga) at nangako naman ako sa kanya na hindi ko pababayaan itong mga kasong ito,” saad pa ng abogado.
Samantala, sa kasong cyber libel na isasampa ni Deniece na si Atty. Topacio ang hahawak ay ayaw niyang banggitin kung sinu-sino ang mga kakasuhan, pero siniguro niya na may ilang vloggers.
“Ang gusto ko po sana rito ay to prevent ‘yung dating media circus kaya tahimik na lang po itong kasong ito. We will proceed very quietly under the radar,” sambit ng isa sa mga legal counsel ni Deniece.




Comments