Abangers ang karerista kay Tell Bell sa 3-YO
- BULGAR
- Feb 12, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 12, 2023
Inaasahang bantay sarado si Tell Bell sa magaganap na 3-Year-Old Maiden Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas, ngayong araw.
Ito'y dahil pinapatok ng tatlong karera tipsters ng programa ang kalahok na si Tell Bell paglarga ng nasabing race.
Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez, makakatagisn ng bilis ni Tell Bell sina Prime Billing, Grandi Moments, Melania, Song Bird at Glamour Girle.
Nakalaan ang P1.2-M premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta sa distansiyang 1,400 meter race.
Suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman reli De Leon, hahamigin ng mananalong kabayo ang P720,000, mapupunta sa second placer ang P270,000 habang tig-P150,000 at P60,000 ang third at 4th ayon sa pagkakasunod.
Sa pangalawang race pakakawalan ang bakbakan ng anim na tigasing kabayo, paniguradong magandang laban ang kanilang masisilayan.
"Baka mapalaban si Tell Bell iba ang takbuhan sa trial race kaya pipili ako ng dehado sa laban na yan," saad ni Victor Cardenas, veteran karerista.
Samantala, may 10 races ang ilalarga ngayong araw ng Linggo kaya asahang masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.





Comments