top of page
Search
  • BULGAR

Abangan na ang mga bigating U.S.A., Lithuania, Serbia at DR

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 1, 2023




Mga laro ngayong Biyernes:

4 p.m. Serbia v. Italya (Araneta)

4:40 p.m. USA v. Montenegro (MOA)

8 p.m. Dominican Republic v. Puerto Rico (Araneta)

8:40 p.m. Lithuania v. Gresya (MOA)


Lalong tumaas ang kumpiyansa ng paboritong Team USA matapos nilang walisin ang tatlong laro sa Grupo C ng 2023 FIBA World Cup. Maghahanda na ang mga Amerikano sa mas malaking hamon sa Round 2 simula sa Montenegro ngayong araw sa Mall of Asia Arena simula ng 4:40 p.m.


Buong tapang na inihayag ni Anthony Edwards na mananalo sila sa mga Montenegro at sa Lithuania sa Linggo. Pumukol ng 22 puntos ang bituin ng Minnesota Timberwolves laban sa Jordan noong Miyerkules, kasama ang 13 sa first quarter patungo sa 110-62 panalo.


Inamin din ni Edwards na sinasanay pa rin nila ang sarili sa FIBA Rules na iba sa nakasanayan sa NBA. Para maging madali, ipapasok at ipapasok na lang nila ang bola para tapos agad ang usapan.


Kung naging madali ang lakbay ng Team USA sa group phase, asahan na magiging mabigat na kalaro ang Montenegro na tinatampukan ni sentro Nikola Vucevic ang Chicago Bulls na gumagawa ng 20.7 puntos at 7.0 rebound. Nariyan din ang kanilang naturalized Kendrick Perry na may 13.3 puntos at 5.3 assist.


Susundan ang USA-Montenegro ng salpukan ng Lithuania at Gresya sa 8:40 ng gabi. Nakamit ng mga Griyego ang huling tiket sa Grupo C sa bisa ng kanilang 83-74 pagtakas sa New Zealand noong Miyerkules.


Pinaghirapan ng mga Griyego ang tagumpay at kontrolado ng Tall Blacks ang unang tatlong quarter bago bumigay sa huli. Namuno si Ioannis Papapetrou sa 27 puntos habang 20 si Giannoulis Larentzakis at sila muli ang aasahan ng Team Hellas ngayong Round 2.


Perpekto ang Lithuania sa Grupo D at napipisil na pinakamalaking banta sa ngayon sa mga Amerikano. Nagtatala ng double-double si sentro Jonas Valanciunas na 13.7 puntos at 10.0 rebound sa tatlong panalo.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page