Aapela pa raw uli sa pag-absuwelto kay Vhong…BIANCA KAY DENIECE: MOVE ON NA!
Updated: Apr 6, 2023
ni Julie Bonifacio @Winner | April 5, 2023

Nagbigay ng reaksiyon si Bianca Lapus sa bali-balitang muling aapela si Deniece Cornejo sa pagbasura ng Supreme Court sa rape case na isinampa niya laban kay Vhong Navarro.
Nakausap namin si Bianca sa ginanap na grand launch ng bagong business and lifestyle magazine na nagpo-focus on women empowerment, ang Top Shelf Magazine published by Velvet Media, Inc. headed by Jayjay Maghirang. Si Bianca ang tumatayong Marketing Director ng Top Shelf.
Nawindang din si Bianca when we told her na final ang decision ng Supreme Court para sa apela ni Deniece.
"Ewan ko ba," maktol niya. "Ang daming final-final. Hindi na na-finalize."
Walang ideya si Bianca kung aware ba si Vhong sa bali-balitang planong pag-apelang muli ni Deniece sa korte.
"Hindi ko alam. Pero, hindi ba siya napapagod?" buntong-hininga ni Bianca.
"Ilang taon na. Saka ang dami nang nadadamay, mga inosenteng nilalang, tulad ko, tulad ng mga bata, 'di ba?
"Wala naman kaming kinalaman sa mga kaganapan nila, pero nadadamay kami. Sana, matapos na.
"Even 'yung sa kampo niya (Deniece). I saw the interview of the lolo. Sabi niya, sana, magkaayos na lang daw kesa raw ipapakulong niya (si Vhong). Imbes na maituwid ang buhay nila, 'di ba?
"Lahat naman tayo ay dumadaan sa mga pagkakamali o nakakagawa ng mga poor decisions, pero we have a chance na baguhin ang buhay natin, 'di ba?
"Sana, 'yun na lang ang piliin nila na tapusin na. And then, mag-move forward sila," dasal ni Bianca.
Inamin ni Bianca na ngayon lang siya nagre-recover sa sandamakmak na stress na naranasan niya during Vhong's court trial.
"'Yun na nga, eh. Busy ako sa Top Shelf at busy sa pagre-recover sa health ko," ngiti niya.
After Christmas, in and out si Bianca sa hospital.
"Kasi, nag-pass out ako. Tapos, uh, doon ko na nalaman sa ER ng St. Luke's na may hypertension ako at saka diabetes. Ayan, naka-ano na ako, may nakakabit na sa akin na scanner, ganyan,"
sabay pakita niya sa amin ng isang blood sugar scanner sa ilalim ng isa niyang braso.
Kuwento pa niya, "Para hindi ako mag-inject-inject, doon namin nalaman. Marami akong mga tests at saka treatments.
"Kasi, lumabo 'yung mata ko, super wala akong makita. Hindi ako makabasa ng text.
Kinakapa ko 'yung gripo sa lababo, kaya binabantayan ako ng asawa ko at mga anak ko.
"'Yun ang mga pinagdaanan ko. I consulted a cardiologist, ophthalmologist, endocrinologist.
So, 'yun. Kaya ngayon, ang dami ko nang maintenance. Ang chaka, 'di ba? Hahaha!”
Sobrang natuwa naman si Bianca na sa kabila ng mga pinagdaraanan niya sa buhay ay marami pa ring nagtitiwala sa kanya. Isa na riyan ang Velvet Media, Inc. na naka-dalawang isyu na ngayon.
Sa second issue ng Top Shelf Magazine, tampok sa cover ang very inspiring and empowered woman na si Lyn Macanas. Siya ang CEO and President ng Chrizmarie Builders and Construction Supply.
Ang kuwento ng buhay ni Lyn bilang businesswoman and single mom is a testament of courage, strength and determination to succeed.
Mixed emotion naman si Lyn nu'ng nakausap namin sa bonggang launch ng Top Shelf kung saan siya ang nasa cover.
Ginanap ang launching sa Seda Hotel with matching fashion show ng mga mamahaling gowns ni Lyn. Plus, ang pasabog na performance ni Gigi de Lana with his band, ang GG Vibes.
"Kinakabahan ako ngayong gabi," bungad ni Lyn. "Iba kasi ang event na ‘to. Although, nagga-gather kami ng malalaking events na kami-kami lang. Kapag may media kasi, parang nakakakaba."
Understandable naman kung kabahan man si Lyn sa harap ng ilang taga-media. First time raw kasi niyang humarap sa mga press people.
Nagsimula ang negotiation ng Top Shelf with Lyn sa Christmas party ng kanyang company. After a month, nag-meeting na sila for the cover ng Top Shelf.
Very inspiring ang buhay ni Lyn kaya make sure to grab a copy of Top Shelf.
Congrats sa Top Shelf!





Comments