top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Aabot sa 110 milyong Pinoy ang hindi masasaklolohan ng gobyerno, kani-kanyang diskarte na lang

  • BULGAR
  • Aug 3, 2021
  • 2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | August 03, 2021


NAGHAHANDA na ang gobyerno sa posibleng COVID surge.


Hindi ito maiiwasan, batay mismo sa karanasan ng ibang bansa!


◘◘◘


WALANG bansa na nakapipigil sa COVID surge.


Pero, dapat maunawaan ng gobyerno na mas dapat magprepara sa COVID surge ay ang ordinaryong mamamayan!


◘◘◘


KUMBAGA, nakaluhod ang ordinaryong sa nakaraang 18-buwan ng COVID, ngayon ay dadapa na sila nang todo hanggang sa katapusan ng Agosto.


Kapag dumiretso ang COVID surge sa “ber months” masubsob na ang nguso sa lupa ng ordinaryong Pinoy!


◘◘◘


AABOT sa 110 milyon ang Pinoy na hindi kayang saklolohan ng gobyerno.

Kani-kanyang diskarte ang magaganap.


Ibig sabihin, hindi malayong magkaubusan ng oxygen, mapuno ang mga ospital at mag-agawan sa pagkain!


◘◘◘


WALA sa aklat o diksiyunaryo ang COVID crisis na kakambal ng pagguho ng ekonomiya, kaya’t ang mga eksperto na nagpakadalubhasa sa lipas nang aklat — ay puro kapalpakan.


Ang magbibigay ng solusyon ay inobasyon at orihinal na diskarte ng mga Pinoy!


◘◘◘


MASUWERTE ang Pilipinas dahil binubuo ito ng arkipelagong may mahigit 7,000 isla.


Taliwas sa Europe at America na magkakadikit sa lupa ang hanggahan ng mga bansa at siyudad, ang Pilipinas ay may pagitan ng karagatan ang bawat isla o mga siyudad!


◘◘◘


HINDI malilipol ang mga Pinoy dahil bukod sa karagatan, mayroon din tayong malalawak na gubat at kabundukan.


Ang mga kabundukan at karagatan ang depensa ng mga Pinoy laban sa COVID at iba pang kalamidad!


◘◘◘


GAYUNMAN, dahil sa kawalan ng inobasyon, talino at pagsasaliksik, hindi nagagamit ng Pilipinas ang likas na depensa na kaloob ng Inang Kalikasan.


Halimbawa, ang mga barko ay dapat floating hospital at isolation area—pero hindi ito pumapasok sa isip ng mga bopol ng decision makers.


Ang mga opisyal ng gobyerno ay nakikikopya sa dispalinghadong iskema ng ibang bansa!

◘◘◘


ANG sariwang hangin at kapaligiran sa malalayong kabundukan—ay sapat nang lugar bilang isolation islands kung saan magagamot ang mga sakit gamit ang sariwang hangin, sikat ng araw at sariwang pagkain tulad ng isda, prutas at karne.


Walang ganyang ideya o konsepto ang gobyerno sapagkat ang kanilang oryentasyon ay apekto ng dikta ng mga dayuhan!


◘◘◘


PINAKAMASUWERTENG bansa sa buong mundo ang Pilipinas, pero nasasadlak sila sa kamalasan dahil iniluluklok nila sa gobyerno ay ang mga “tuta ng mga ilegalista”—smuggler, gambling lord,drug lord, anak ng pork barrel, human trafficking at magnanakaw sa pamahalaan.


Ang pork barrel ay nananatiling sa annual budget gayung alam nilang ito ay immoral at bawal sa Konstitusyon!


◘◘◘


UTAK korup ang mga decision makers kaya’t ang unang iniisip ay kung paano magkakamal ng salapi, imbes na kung paano makakaahon sa krisis ang bansa.


Wala tayong maaasahan sa pamahalaan sa gitna ng hard lockdown.


Dapat magkusa ang bawat sibilyan na tulungan ang sarili, tulungan ang kapitbahay at saklolohan ang mga nag-aagaw-buhay!


◘◘◘


KANI-KANYANG bayanihan ang bawat Pinoy at ‘yan ang kulturang magsasalba sa ating mula sa bingit ng kamatayan.


Kalimutan ang pag-asa sa gobyerno, sumandal tayo sa sarili nating katinuan at pagsisinop katuwang ang kaanak sa buhay!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page