top of page
WINNER - KIM, KINASUHAN NA ANG ATE LAKAM NG QUALIFIED THEFTIG _chinitaprincess.jpg

999 dedo sa measles

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | September 11, 2026



Makikita ang pasyente sa pagamutan dulot ng measles outbreak sa ospital sa Dhaka - AP

Photo: Makikita ang mga pasyente na dagsa, dulot ng measles outbreak sa ospital sa Dhaka - AP


Umabot na sa 999 ang nasawi dahil sa suspected measles cases sa Bangladesh mula Enero, kasabay ng pagdami ng mga batang tinatamaan ng outbreak.


Ayon sa health authorities, mahigit 166,000 suspected cases ang naitala mula Marso, kabilang ang 19,835 laboratory-confirmed infections.


Nagsimula ang emergency vaccination drive noong Marso sa tulong ng World Health Organization, UNICEF at Gavi, na unang tinutukan ang mga batang edad 6 buwan hanggang 5 taon bago pinalawak sa buong bansa.


Ibinabala ng World Health Organization (WHO) na kailangang umabot sa 95% ang vaccination coverage upang mapigilan ang pagkalat ng measles. Gayunman, bumaba sa 86% noong 2025 ang mga batang nakatanggap ng ikalawang dose mula sa 93% noong 2024.


Sinabi ng mga doktor na maraming bata ang hindi nabakunahan matapos maantala ang routine vaccination noong COVID-19 pandemic at hindi rin naisagawa nang maayos ang 2024 vaccination campaign.


Dahil dito, patuloy na napupuno ang mga ospital ng mga batang may measles at malulubhang komplikasyon gaya ng pneumonia, diarrhea at encephalitis.


Ayon sa isang child specialist, anim na buwan nang sunud-sunod ang kanilang pagtanggap ng measles patients at pagod na ang medical workers sa patuloy na pagdami ng mga kaso.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page