top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg
Search

ni Justine Berganio @Overseas News | September 11, 2026



Makikita ang pasyente sa pagamutan dulot ng measles outbreak sa ospital sa Dhaka - AP

Photo: Makikita ang mga pasyente na dagsa, dulot ng measles outbreak sa ospital sa Dhaka - AP


Umabot na sa 999 ang nasawi dahil sa suspected measles cases sa Bangladesh mula Enero, kasabay ng pagdami ng mga batang tinatamaan ng outbreak.


Ayon sa health authorities, mahigit 166,000 suspected cases ang naitala mula Marso, kabilang ang 19,835 laboratory-confirmed infections.


Nagsimula ang emergency vaccination drive noong Marso sa tulong ng World Health Organization, UNICEF at Gavi, na unang tinutukan ang mga batang edad 6 buwan hanggang 5 taon bago pinalawak sa buong bansa.


Ibinabala ng World Health Organization (WHO) na kailangang umabot sa 95% ang vaccination coverage upang mapigilan ang pagkalat ng measles. Gayunman, bumaba sa 86% noong 2025 ang mga batang nakatanggap ng ikalawang dose mula sa 93% noong 2024.


Sinabi ng mga doktor na maraming bata ang hindi nabakunahan matapos maantala ang routine vaccination noong COVID-19 pandemic at hindi rin naisagawa nang maayos ang 2024 vaccination campaign.


Dahil dito, patuloy na napupuno ang mga ospital ng mga batang may measles at malulubhang komplikasyon gaya ng pneumonia, diarrhea at encephalitis.


Ayon sa isang child specialist, anim na buwan nang sunud-sunod ang kanilang pagtanggap ng measles patients at pagod na ang medical workers sa patuloy na pagdami ng mga kaso.


 
 

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | May 5, 2026



Ang cruise ship na MV Hondius na nag-anchored sa port ng Praia, capital ng Cape Verde, nitong Lunes - AFP-JIJI


Umabot sa tatlong katao ang iniulat na nasawi kaugnay ng pinaghihinalaang outbreak ng hantavirus sakay ng isang cruise ship sa Atlantic Ocean, ayon sa World Health Organization (WHO).


Gayunman, nilinaw ng WHO na isa pa lamang ang kumpirmadong nasawi, habang lima pang kaso ang patuloy na iniimbestigahan.


Samantala, isang 69-anyos na British national ang kasalukuyang nasa intensive care unit sa Johannesburg, South Africa.


Ang hantavirus ay karaniwang naipapasa sa tao mula sa mga daga sa pamamagitan ng kanilang ihi, dumi, o laway, at maaaring magdulot ng malubhang sakit sa paghinga. Sa mga bihirang pagkakataon, maaari rin itong maipasa mula tao sa tao.


Naiulat ang outbreak sakay ng MV Hondius, na pinapatakbo ng Oceanwide Expeditions. Ang barko ay bumiyahe mula Argentina patungong Cape Verde.


Ayon sa mga otoridad sa South Africa, ang unang pasyente na nagpakita ng sintomas ay isang 70-anyos na lalaki na namatay habang nasa barko. Ang kanyang labi ay kasalukuyang nasa Saint Helena.


Nagkasakit din ang kanyang 69-anyos na asawa at inilikas sa South Africa, kung saan siya rin ay nasawi sa isang ospital sa Johannesburg. Ayon sa ulat, ang mag-asawa ay kapwa Dutch nationals.


Iniulat din na ang ikatlong nasawi ay nananatili pa sa barko, habang pinagdedesisyunan pa kung ilalagay sa isolation ang dalawa pang pasyente sa mga ospital sa Cape Verde.


Ayon sa WHO, patuloy itong tumutulong sa koordinasyon sa pagitan ng mga bansang apektado at ng operator ng barko para sa medical evacuation ng mga pasyente. Kasabay nito, nagsasagawa rin ang ahensya ng public health risk assessment at nagbibigay ng suporta sa mga sakay ng barko.





Dahil sa vape pen...

ESTUDYANTE, NANAKSAK SA ISKUL, 5 NADALE



Kinasuhan ng 4-counts of first-degree assault ang isang estudyante matapos ang pananaksak sa Foss High School sa Tacoma, Washington noong Huwebes, kung saan apat na estudyante at isang guwardiya ang nasugatan.


Kinilala ang suspek na si Waleed Emad Essakhi, na agad naaresto matapos ang insidente. Kinabukasan, kinasuhan siya sa Pierce County Superior Court at itinuring na lilitisin bilang nasa hustong gulang.


Batay sa ulat, nagsimula ang insidente matapos umano siyang akusahan ng pagnanakaw ng vape pen sa isang skatepark. Dahil dito, hinarap siya ng apat na kaibigan ng biktima, na nauwi sa away. Makikita sa CCTV na may inilabas umano ang suspek mula sa kanyang bulsa bago sumiklab ang gulo. Wala umanong armas ang mga biktima.


Nagtamo ng mga saksak at sugat ang mga biktima, kabilang ang isang estudyanteng kinailangang operahan dahil sa tama sa baga, at isa pang sumailalim sa operasyon sa braso. Nasugatan din ang isang guwardiya.


Ayon sa paaralan, nagkaroon ng lockdown mula alas-1:38 hanggang  alas-2:45 ng hapon, at kinansela ang klase kinabukasan habang nagbigay ng counseling support.

Itinakda ang piyansa sa halagang $75,000 (humigit-kumulang ₱4.2 milyon). Nakatakda ang susunod na pagdinig sa Hunyo 1 at ang jury trial sa Hunyo 17.



 
 

ni Lolet Abania | May 27, 2022



Idineklara ng mga awtoridad ngayong Biyernes ang dengue outbreak sa Zamboanga City. Ito ay matapos na makumpirma ang mga dengue cases sa lungsod na umabot sa 2,026 na naitala mula Enero hanggang Mayo 14, 2022.


Sa mga kumpirmadong kaso, 19 dito ang nasawi. Pinaigting na rin ng Sanitary Division ng City Health Office ng siyudad ang fogging operations sa mga lugar kung saan mataas ang bilang ng mga kaso ng dengue.


Ayon sa Department of Health (DOH) Region IX, ang mga kaso ng dengue ay mataas din sa Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur at Isabela City sa Basilan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page