949 preso, laya na

Updated: Oct 28, 2023
ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 27, 2023

Inilabas ang kabuuang 949 Persons Deprived of Liberty (PDLs) nitong Biyernes mula sa iba’t ibang bilangguan, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).
Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, umabot na sa higit sa 6,000 ang bilang ng inilabas na PDLs.
Sinabi ng BuCor na mula ang 486 na PDLs sa maximum, medium, at minimum compound of New Bilibid Prison (NBP) pati na rin sa NBP's Reception and Diagnostic Center. Sinundan ito ng 177 PDLs mula sa Davao Prison and Penal Farm at 90 PDLs mula sa Correctional Institution for Women.
Ayon sa BuCor, nakumpleto na ng karamihan sa mga inilabas na PDLs ang kanilang maximum sentence. Samantala, 213 ang napawalang-sala, 129 ang binigyan ng parole, 29 ang inaprubahan para sa probation, at dalawa ang inilabas sa pamamagitan ng cash bond.
Nagpartisipa sa aktibidad na ito sina Justice Secretary Crispin Remulla at Public Attorney's Office Chief Atty. Persida Rueda-Acosta, at iba pa.
“We also have to expedite the release of PDLs if they have already served their maximum sentence and our police force and prosecutors are now working hand in hand to resolve the issue of those accused being detained for so long much more than their sentence,” paliwanag ni Remulla.
Samantala, sinabi ni officer-in-charge Gil Torralba na inilunsad ng BuCor ang Integrity Monitoring and Enforcement Unit (IMEU).
Sa pamamagitan ng IMEU, maaaring mag-ulat ang mga empleyado ng BuCor ng mga ilegal na gawain ng kanilang mga katrabaho habang maaaring mag-ulat ang mga PDLs na inilabas sa pamamagitan ng text o tawag.





Comments