top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

91% ng mga Pinoy, tiwalang magiging maganda ang 2021!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 27, 2020
  • 2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 27, 2020



Nakakataba ng pusong malaman na sa kabila ng nangyari sa ating lahat ngayong 2020 ay marami pa rin sa atin ang nananatiling positibo para sa darating na bagong taon.


Lumalabas sa survey ng Pulse Asia na 91 percent, o siyam sa sampung Filipino, ang may positibong pagtingin sa 2021.


Walong porsiyento naman ang nagsabing “ambivalent” o hindi desidido, samantalang isang porsiyento naman ang haharapin na walang pag-asa ang bagong taon.


☻☻☻


Isang magandang development ito na nananatiling positibo at may pag-asa ang ating mga kababayan, na maaaring maituring na pagbangon mula sa naging resulta naman ng survey ng Social Weather Stations (SWS).


Ayon sa survey, anim sa sampung Filipino (o 62 percent) ang nagsabing lumala ang kanilang buhay ngayong taon.


Samantala, 14 percent naman ang nagsabing mas bumuti ang buhay nila ngayong taon, habang 24 percent naman ang tumugon na parehas lang ang buhay nila noong 2019 at 2020.


☻☻☻


Posibleng nagdulot ng pag-asa sa ating mga kababayan ang anunsiyo ng pagkakaroon na ng bakuna laban sa COVID-19. Sinimulan na rin sa ibang mga bansa ang pagbabakuna, lalo na sa mga vulnerable at at-risk na mga grupo.


Inaasahan na mas makakatulong ang bakuna sa ating mga programa at gawain sa pagbuhay at pagpapasigla ng ating ekonomiya at buhay.


Unti-unti na ring binubuksan ang ating ekonomiya. Nadaragdagan na ang mga pinapayagang gawain at trabaho, pati na rin ang mga ruta ng mga pampublikong sasakyan. Nagbubukas na rin ang ating mga tourist spots.


Ngunit habang naghihintay tayo sa pagdating ng bakuna ay sana ay patuloy pa rin tayong sumunod sa mga health and safety protocols tulad ng regular na paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at face shield, at pag-oobserba ng physical distancing.


Malaki ang maitutulong nito upang mapigil ang transmission ng COVID-19 sa ating mga mahal sa buhay.


☻☻☻


Para sa darating na bagong taon, hangad at dalangin natin ang mas mabuti, mas masigla, at mas malusog ng 2021 para sa ating lahat. Sabay-sabay nating salubungin ng may tuwa at galak ang Bagong Taon!


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page