901 bagong Omicron COVID-19 subvariants, 2 Delta cases – DOH
ni Lolet Abania | September 13, 2022

Nakapagtala ng 901 dagdag na kaso ng mas nakahahawang Omicron COVID-19 subvariants sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Martes.
Sa latest figures mula sa DOH, naka-detect ng 839 bagong kaso ng Omicron BA.5, 11 pang kaso ng BA.4, tig-1 ng BA.2.75 at BA.2.12.1, at 49 na itinuturing bilang “other sublineages.”
Sa bagong BA.5 cases, marami ang naitala sa Metro Manila na 182, Western Visayas ay 135, at Cordillera Administrative Region na 116.
Karamihan naman sa bagong BA.4 cases ay nai-report sa Soccsksargen na 7.
Ang isang bagong BA.2.75 case ay naitala sa Metro Manila, at isa ring BA.2.12.1 case na na-detect mula sa returning overseas Filipino (ROF).
Ayon pa sa DOH, may dalawa ring Delta cases ang na-detect sa Metro Manila at Calabarzon.
Ito ay resulta ng latest sequencing run na isinagawa mula Setyembre 9 hanggang 12, anang ahensiya.





Comments