90 porsiyento na ang bakunado sa NCR, naks!
ni Ka Ambo - @Bistado | October 1, 2021
Aabot na 90 percent ang bilang ng vaccinated persons sa Metro Manila.
‘Yan ang tunay na dahilan kaya tapos na ang krisis ng COVID sa bansa!
◘◘◘
BAGO mag-Pasko ay papalo na sa 95 to 98 percent ng populasyon sa Kamaynilaan ay vaccinated na kontra COVID.
Hindi na COVID ang isyu, bagkus ay economic meltdown!
◘◘◘
BALAHO ang ekonomiya.
Nasa kumunoy ang kabuhayan ng mga tao.
Habang kumikilos at nagtatangkang magnegosyo, lalong mababaon sa utang at masisimot ang naipon.
‘Yan ay aktuwal na kumunoy!
◘◘◘
SINO naman kaya ang magdedeposito sa bangko kung hindi kumikita ang negosyo?
Sino ang uutang sa bangko kung walang linaw kung saan kukuha ng pambayad.
May mga bangko magsasara at magme-merge sa ibang bangko!
◘◘◘
MAY pupunta pa ba sa malalaking mall kung walang cash na available?
Hindi ba’t matatakot ang tao sa loob ng mga air-conditioned na mall?
◘◘◘
KUNG walang gaanong tao sa mall, sino ang magbabayad ng upa sa commercial space?
Magsasarado rin ang mga mall!
◘◘◘
MAGING ang mga fast-food chain na naka-aircon ay unti-unti na ring nagsasarado.
Hindi sapat ang kakaunting customer sa pambayad sa konsumo ng elektrisidad at tubig!
◘◘◘
PUMAPASOK ang mga tao sa air-conditioned fast-foods para magtsismisan at makiihi lang.
Mula fast-foods, naging public toilet lang ang mga ito!
◘◘◘
NAGSASARADO ang mga piggery at poultry sa Bulacan at Batangas dahil walang malaking demand.
Nagtitiyaga ang mga tao sa mga kontaminadong imported frozen meat!
◘◘◘
WALANG solusyon ang gobyerno sa krisis sa ekonomiya.
Ito ay dahil ang mga nanunungkalan ay isang dakot na mangmang!
◘◘◘
ANg isyu sa ekonomiya ang batayan ng mga botante.
Pero dahil sa gutom, hindi na sila makakapili nang matino.
Kung sino ang magdyikash, siya ang iboboto.
He-he-he!





Comments