top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

9 UV Express, luma, marumi, mabaho, huli

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | August 16, 2026



9 UV EXPRESS, LUMA, MARUMI, MABAHO, HULI

Photo: LTFRB



Nasa siyam na UV Express ang hinuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa umano’y luma, marumi, mabaho at hindi komportableng kondisyon ng kanilang mga sasakyan na ipinapangpasada.

Batay sa isinagawang operasyon, karamihan sa mga nahuli ay bumibiyahe sa mga rutang Bulacan-Metro Manila.


Isinagawa ang operasyon matapos mag-deploy ang LTFRB ng mystery riders noong August 12 para aktuwal na masuri ang kondisyon at serbisyo ng mga UV Express.

Kabilang sa mga reklamo ng mga pasahero ang mahina o hindi maayos na air-conditioning, kupas na mga marking at hindi magandang amoy sa loob ng mga sasakyan.


Dahil dito, naglabas ang LTFRB ng Show Cause Order (SCO) laban sa siyam na operator.

Inaatasan silang magpaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang kanilang prangkisa dahil sa kabiguang magbigay ng maayos at komportableng serbisyo sa mga pasahero.


Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza, hindi na dapat pinapayagang bumiyahe ang mga dilapidated, marumi at mabahong PUV.


Hindi lamang UV Express ang target ng LTFRB. Kasama rin sa pinaigting na inspeksyon ang mga taxi, bus, jeepney at ride-hailing vehicles.


Hinimok naman ng LTFRB ang mga commuter na i-report ang mga PUV na hindi maayos ang kondisyon, pati na ang mga abusado o lumalabag na driver, sa LTFRB hotline 1342 o sa official social media accounts ng ahensya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page