9 na astiging 'bata,' mag-uunahan sa 3-YO
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |November 13, 2022
Magtatagisan ng bilis ang siyam na tigasing batang kabayo sa magaganap na 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.
Pitsurado ng mga liyamadista si Money For Gabriel pero ayon sa ibang karerista ay tiyak na dadaan siya sa butas ng karayom bago masilo ang panalo.
Komento ng mga karerista sa social media na dekalidad din ang mga kasali kaya hindi rin masasabing lamang ang liyamadong kabayo.
Pambato ng mga dehadista sina Agaron at May Ten.
Rerendahan ni dating PSA Jockey of the Year awardee, Jessie B. Guce, puntirya ng connections ni Money For Gabriel ang added prize na P10,000.
May distansyang 1,400 meter race, ang ibang kalahok ay sina Preethi, Bohemian, Brightside, Run Yumi Run, Nganga Bell at Laparoscopy.
Samantala, may 11 karera ang ilalarga ngayong Linggo, lahat ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Maliban sa nabanggit na karera, aabangan din ng mga karerista ang bakbakan sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa unang karera.
Mag-uunahan sa meta sina Willing Willie, Quid Pro Quo, Senorita Bonita, Golden Eight, Achi Holly, Raxa Bago at Sultanov sa distansyang 1,400 meter race.
Nakataya ang guaranteed prize na P250,000 na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Senorita Bonita (3), Raxa Bago (6), Sultanov (7)
Race 2 - Color Blast (6), Manang Biday (3), Laguna De Bay (1)
Race 3 - Smart Julliane (12), Magnum Force/Humidor (8), Double Strike (1)
Race 4 - My Sweet Lord (5), Hot Rot Hearts (4), Meghan Maxene/Lucky Noh Noh (1/1A)
Race 5 - Awesome Cole (4), Tontoneeto (7), Mexico (2)
Race 6 - Yabadabadur (5), Sneaky (1)
Race 7 - Money For Gabriel (8), Agaron (7), May Ten (9)
Race 8 - Palibhasa Lalake (3), Runawayfromrosenot/Stella Malone (1/1A)
Race 9 - Noh Sen Young Yana (9), Big Hook (2), Distinction/Digital (6)
Race 10 - Work Bell (6), Mandatum/Calamian island (7/7A)
Race 11 - Bishop Blue (4), Bebang/Pendant (11/11A), Thriller (12)





Comments