9 na astigin, tatakbosa 3-YO race sa Turf
- BULGAR
- Jan 28, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | January 28, 2023
Siyam na kabayo ang nominado sa magaganap na 2023 PHILRACOM 3-Year-Old Maiden Stakes Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas sa Pebrero 12, 2023, (Linggo).
Mga nagsaad ng pagsali ay sina Glamour Girle, Grand Moments, Cash On Hand, Chrome Bell, Melania, Prime Billing, Runway Ten, Song Bird at Tell Bell sa distansiyang 1,400 meter race.
"Balita ko maraming mahuhusay na batang kabayo ang patatakbuhin ngayong taon kaya sigurado makakapanood tayo ng magandang karera diyan," saad ni Johnny Lompot, veteran karerista na taga- San Lazaro sa Maynila.
Isa sa mga nasisilip ng ibang karerista sa social media ay si Tell Bell na rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez. "Galing sa magandang kuwadra na Bell Racing Stable at inihahanda ni trainer Donato Sordan, siguradong magaling 'yang si Tell Bell," ani Joselito Valenzuela.
Si Tell Bell ay anak nina Sakima at Don't Tell Ella, habang ang mga makakatunggali niya ay mga dekalidad ang pinanggalingang lahi.
Ang nasabing stakes race ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, nasiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang kahapon ng Biyernes dahil may walong karera ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).
Inaasahan din na magiging masaya rin ang mga karerista sa kanilang pananaya ngayong araw at bukas ng Linggo.





Comments