top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

9 na astigin, mag-uunahan sa Philracom Stakes Race

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 2, 2023
  • 2 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | September 2, 2023


Masisilayan ng mga karerista ang bakbakan ng siyam na tigasing kabayo sa magaganap na 2023 PHILRACOM 1st Leg Juvenile Stakes Race na pakakawalan bukas sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.


Kabilang sa mga kasali si Sonnet Forty Three na handa ng ipakita sa kanyang mga tagahanga ang husay sa karerahan.


Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Patricio Ramos Dilema si Sonnet Forty Three na posibleng mapalaban sa magka-kuwadrang sina Blame The Ghost at Bravemansgame.


Maliban kina Blame The Ghost at Bravemansgame ang ibang makakatagisan ng bilis ni Sonnet Forty Three ay sina Amor My Love, Artsev, Ghost, Heartening To See, Malibu Princess at Mommy's Love sa distansiyang 1,200 meter race,


Ipamumudmod sa unang anim na kabayong tatawid sa finish line ang nakalaan na P1.8 guaranteed prize sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Hahamigin ng mananalong kabayo ang P1,080,000, mapupunta sa pangalawa ang P360,000 habang tig- P180,000, P90,000, P54,000 at P36,000 ang third hanggang 6th placers ayon sa pagkakahilera.


Tatanggap din ng P90,000 ang breeder ng winning horse habang tig0P54,000 at P36,000 ang second at third.


May kabigatan ang papasanin ng colt sa filly, dadalhin ng lalaking kabayo ang 54 kgs. habang sa babaeng kabayo ang 52 kgs.


Ilalarga din sa nasabing petsa ang Lakambini Stakes race na sasalihan ng 11 mahuhusay na kabayo.


Inaasahang mapapahirapan ang mga karerista sa kanilang pipiliin na kabayong tatayaan at tiyak din na kalat ang magiging bentahan sa takilya.


Samantala, dahil sa mga umatakeng bagyo na Goring at Hanna ay walang tigil ang pagbuhos ng ulan kahapon at para mapangalagaan ang kaligtasan ng mga hinete at kabayo ay kinansela na lamang ang karera kahapon ng Biyernes.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page