top of page

8x World Champ Brazilian jiu-jitsu Lo, binaril, patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 9, 2022
  • 1 min read

ni MC - @Sports | August 9, 2022



Hindi na umabot sa pagamutan at idineklarang brain dead si Brazilian jiu-jitsu great Leandro Lo, walong beses na kampeon sa mundo, matapos siyang barilin sa isang Sao Paulo club noong linggo ng gabi.


Ang 33-anyos na martial arts champ ay nasa labas kasama ang mga kaibigan para sa isang event sa Clube Siria, isang sports at social club sa pinakamalaking lungsod ng Brazil, nang may isang estranghero na lumapit sa kanilang mesa at nagsimulang gumawa ng mga pananakot gamit ang isang bote, ayon sa ulat.


Si Lo, na nanalo ng International Brazilian Jiu-Jitsu Federation (IBJJF) world titles sa limang magkakaibang weight classes mula 2012 hanggang 2022—isang all-time record—ay pinadapa ang lalaki sa lupa “upang itigil ang sitwasyon at maiwasan ang away,” sabi ni Siqueira.


Sinabi niya na tinulungan ng mga kaibigan ni Lo ang dalawang lalaki na tumayo at hinimok ang estranghero na huminahon at umalis. “Sa mismong sandaling iyon, pagkatalikod umano ang lalaki, bumunot ng baril at binaril si Leandro sa ulo,” ayon pa sa source.


Ang jiu-jitsu champ ay isinugod sa ospital, ngunit idineklara itong brain-dead, aniya. “Ang kanyang kondisyon ay kritikal na. Naghihintay lamang sila sa ilang mga report upang kumpirmahin ang kanyang pagkamatay, ngunit malabo na umano nitong mabuhay," ayon naman sa insider.


Natukoy na ng mga awtoridad ang bumaril at pinaghahanap na ito. Bumuhos ang pakikiramay mula sa mga tagahanga ng jiu-jitsu sa social media.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page