890 bagong kaso ng Omicron subvariant BA.5 – DOH
ni Lolet Abania | July 28, 2022

Nasa halos 900 karagdagang kaso ng Omicron subvariant BA.5 ng COVID-19 ang na-detect sa halos lahat ng rehiyon sa bansa, ayon Department of Health (DOH) ngayong Huwebes.
Sa isang press briefing, nai-report ni DOH alternate spokesperson Undersecretary Beverly Ho na lahat ng regions ay naka-detect BA.5 variant maliban sa Region 12 at sa Bangsamoro region.
Sa 890 bagong BA.5 cases, 232 ay mula sa National Capital Region (NCR), 252 sa Western Visayas, 136 sa Calabarzon, 63 sa Cordillera Administrative Region (CAR), 59 mula sa Cagayan Valley, 46 sa Central Luzon, 37 sa Mimaropa, 29 sa Ilocos Region, 13 sa Bicol Region, tig-5 mula sa Central Visayas at Zamboanga Peninsula, at tig-1 sa Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, at Caraga.
Siyam na returning overseas Filipinos (ROFs) ay nagpositibo rin sa test sa BA.5, ayon sa DOH.
Base sa latest sequencing run, ang kabuuang bilang ng BA.5 cases sa bansa sa ngayon ay nasa 1,997.
Binanggit naman ni Ho na ang 823 sa mga nasabing kaso sa ngayon ay itinuturing na nakarekober na, 31 ang nananatili sa isolation, habang ang status ng iba pa ay bineberipika pa.





Comments