845 kandidato sa 2022 elections, unopposed – Comelec

ni Lolet Abania | March 24, 2022

Umabot sa 845 unopposed na mga kandidato para sa May 9 elections, batay sa ipinakitang datos ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Huwebes.
Ayon sa poll body, mayroon namang 18,023 seats na naghihintay para sa mga kandidato sa nalalapit na eleksyon.
Mula sa 253 congressional seats, 39 dito ang unopposed.
Habang mula sa 81 provincial governor seats, 9 ang unopposed.
Nasa 11 mula sa 81 provincial vice governor seats naman ang uncontested.
Sa 782 seats para sa Sangguniang Panlalawigan, nasa 45 ang uncontested.
Mula sa 1,634 seats para sa pagka-alkalde at bise alkalde, nasa 203 ang uncontested sa mayor habang 254 para sa vice mayor.
Para sa 13,558 seats sa tatakbong mga councilors, nasa 284 ang uncontested.
Samantala, ang opisyal na campaign period para sa lokal na mga kandidato ay magsisimula sa Biyernes, Marso 25.
Paalala ni Comelec Commissioner George Erwin Garcia sa mga local candidates na patuloy na ipatupad ang minimum health standards, habang sisimulan na nila ang kampanyahan.
Sinabi rin ni Garcia sa mga kandidato na kailangan nilang maging maingat upang huwag maging super spreader events ang kanilang pangangampanya.
Binanggit naman ni Garcia na kahit na pinaluwag at may face-to-face na sa campaign rules, ipinagbabawal pa rin ng Comelec sa kanila ang pagkakaroon ng close contacts sa mga nagsasagawa ng mga rallies.





Comments