top of page

83-year old Carcedo, oldest climber sa tuktok ng Apo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 15, 2022
  • 2 min read

ni MC - @Sports | September 15, 2022


ree

Pinarangalan ng Sta. Cruz Tourism Office sa Davao del Sur noong Lunes ang isang 83-anyos na magsasaka nang makaakyat ito sa ituktok ng Mount Apo, ang pinakamataas na bundok sa buong Pilipinas.


Pinakamatandang nakatanggap ng pagkilala si Pascacio Carcedo ng Sta. Cruz Trailblazer Award at opisyal nang itinanghal na 'oldest climber to scale the summit.'


Kinilala rin ang Sta. Cruz Tourism ang mga kasama at gumabay sa pag-akyat ng bundok sina Lito Palao at Armel Senedo. Bago pa man naakyat ang Mount Apo, unang naghanda ng pag-akyat si Carcedo sa tatlong mga bundok sa Sta. Cruz.


Isang magsasaka si Carcedo mula sa Barangay Tacunan, Davao City. Winasak na ni Carcedo ang dating record holder ng 80-anyos na Singaporean na nakaakyat din sa Mount Apo noong 2021.


Noong Marso 19, isang 78-year-old na retiradong engineer ang nakapagtala rin ng record pero dinaig ng 80-year-old na Singaporean noong Mayo 18.


Sinabi ni Palao na kayang akyatin ng mga senior citizens ang Mount Apo basta't may tamang physical, mental, at emotional preparation. Sa taas na 2,954 meters (9,692 ft) above sea level, ito na ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas na matatagpuan sa pagitan ng Davao City at Davao del Sur sa Region XI at Cotabato sa Region XII.


Tinatawag na Apo Sandawa ng mga lokal doon ang bundok at isa itong natutulog na stratovolcano sa isla ng Mindanao. Ito ang pinaka-kilalang kabundukan sa bansa.

Matatanaw mula sa tuktok nito ang Davao City 45 kilometers (28 mi) mula sa Hilagang Silangan, Digos 25 kilometers (16 mi) sa bandang Timog Silangan, at Kidapawan 20 kilometers (12 mi) sa Kanluran.


Itinuturing itong protektadong lugar at itinuturing na Natural Park sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page