top of page
Search
  • BULGAR

82-anyos, tumatawid sa pedestrian lane, sapul sa van, patay

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 11, 2023




Nasawi ang isang 82-anyos na lola matapos na madali ng wing van habang siya'y tumatawid sa pedestrian lane sa Minglanilla, Cebu.


Kinilala ang biktima na si Asuncion Doque na nagtamo ng pinsala sa ulo matapos mabagok.


Sugatan naman ang 58-anyos na anak ni Asuncion na si Estela Trason.


Sabay ang mag-inang tumatawid sa pedestrian lane nang mahagip ng nag-overtake na wing van.


Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga pulisya ang driver na nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting to homicide and physical injuries.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page