top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

816 bagong kaso ng BA.5 Omicron subvariant – DOH

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 20, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | July 20, 2022




Nakapagtala ng mahigit sa 800 karagdagang kaso ng BA.5 Omicron subvariant ng COVID-19 na na-detect sa halos lahat ng rehiyon sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules.


Sa DOH briefing, nai-report ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na lahat ng rehiyon maliban sa Bangsamoro region ay naka-detect ng 816 BA.5 cases.


May 12 returning overseas Filipinos (ROFs) na nabatid ding tinamaan ng naturang subvariant.


Sinabi naman ni Vergeire, may kabuuang 42 pang Omicron BA.4 subvariant cases na nai-record sa bansa.


Sa naitalang kaso, 10 indibidwal ay mula sa Region 12, siyam sa Region 11, pito sa Region 6, tig-apat sa National Capital Region (NCR) at Region 5, tatlo sa Region 4-A, at tig-isa sa CAR at BARMM.


May 3 ROFs ang nagpositibo sa test sa nasabing subvariant.


Parehong ang BA.4 at BA.5, ang sister variants ng original BA.1 Omicron variant, ay naidagdag sa monitoring list ng World Health Organization (WHO) noong Marso at na-designate bilang variants of concern ng European Center for Disease Prevention and Control (ECDPC).


Una nang sinabi ni Vergeire na ang BA.5 at ang BA.4 subvariants ay hindi nagiging sanhi ng critical o severe infection at halos magkapareho ang kanilang katangian o characteristics.


Ayon sa DOH, ang mga naturang subvariants anila, “[should] not be any cause of concern.”


Binanggit naman ni Vergeire na may 52 bagong BA.2.12.1 cases ang na-detect sa Regions 3, 5, 6, 7, 9, 11, 12, 4A, CAR, CARAGA, at NCR.


Ang BA.2.12.1 ay markado rin ng United States Centers for Disease Control dahil sa naobserbahan nilang pagtaas ng mga kaso nito sa Amerika.


Nasabi na rin ni Vergeire na ang BA.2.12.1 at ang BA.2.12 ay maaari aniyang, “more transmissible than the original Omicron variant,” habang posibleng magkaroon ng tinatawag na immune escape base sa mga pag-aaral.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page